LESSON 19

5.5K 144 3
                                    

CHAPTER 19

 

“So iyon. Please Alexis. Alam ko hindi ka uuwi dahil sakin pero please para na lang kay tito..”

Tinignan ko si Alexis para Makita ang reaksyon niya. Ilang tao na ba ang pumilit sa kanyang bumalik siya sa kanila. At itong babaeng to. She looks cute. Parang ang bata pa niya para maging fling ni Alexis. May suot siyang pink na headband na may malaking ribbon sa kaliwang side. Pati din ang pananamit niya. Mukha ding rich kid dahil sa kutis at ang kintab ng mahaba niyang buhok. Gusto ko na din tuloy magpahaba ng buhok.

Nasa corridor pa lang kami papunta sa unit namin ng may isang babaeng naghihintay sa tapat ng pinto namin. And then she ran towards us at niyakap si Alexis at hinalikan sa labi. Eeeeww! Kadiri. Ano bang nangyayare sa mga babae ngayon? Well, nahalikan na din niya ako pero hindi ako ang susugod para mahalikan nu! Yuck!

“Angeline, wala akong rason para bumalik dun.” Nahahapong sabi ni Alexis na napatayo pa. napatingala kami nung babaeng tinatawag niyang Angeline at sinundan ang paglalakad niya.

“Dahil ba sa babaeng yan kaya ayaw mong umuwi?” galit na tinignan ako nung babae. Hanep? Ako pa may kasalanan? Una sa lahat ako ang ayoko na tumira kasama siya. Pero wala akong choice. Kasi ito lang ung apartment na mura na, malaki pa.

“Miss. Kaibigan lang ako ni Alexis. Wala akong kinalaman jan sa mga problema niya. And besides I don’t think na isa ako sa mga dahilan kung bakit niya ayaw bumalik. In fact, tinulungan ko pa si Matthew na pabalikin siya doon. Napakatigas lang talaga ng ulo ng lalaking yan!” sabi ko saka iniwasan na ang tingin sakin ng babae.

“Good!” tumayo ito at humapit sa braso ni Alexis. “Walang aagaw sa fiancé ko. Akin lang siya! Got it?” nakalabing sabi niya sakin. Napatingin sakin si Alexis. Fiance daw?!

May Fiance na si Alexis? Kelan? Saan? Diba bata pa siya?

“Oh. I forgot to introduce you both to each other.” Saglit na tumigil si Alexis sa pagsasalita. Tumayo na din ako kasi nakakapagod tumingala. Nakalabi pa din sakin ung babae. “Angeline, This is Charm. And charm this is Angeline. My best friend since I cant remember when.”

Tinignan ni Angeline si Alexis. “Since Kindergarten, Alexis. You always forget me!”

“Hindi ha!” Tinanggal ni Alexis sa pagkakahawak ni Angeline ang braso at iniakbay dito. “You will always be my number 1!” pa cute na sabi ni Alexis.

Yuck! Ngayon ko lang nakita si Alexis na ganito. Malambing at parang napakagentle niya.

“I know you can’t cook, Alexis. But I’m hungry. Can we eat somewhere?” malambing din na sabi ni Angeline.

Tatalikod na sana ako. Nasusuka na kasi ako sa pinaggagagawa ng dalawa eh.

“She’ll cook for us.” Sabi ni Alexis na kinalingon ko.

“Oh ? Katulong mo pala siya. Sorry Alex. I thought magiging karibal ko siya.” Apologetic na sabi ni Angeline.

Inirapan ko si Alexis. “Hindi niya ako katulong at lalong hindi mo ako karibal. Talagang magluluto ako dahil gutom din ako. Ngayon kung gutom kayo, ipagluto niyo mga sarili niyo.” Sabi ko na lang saka pumunta na sa kwarto ko at marahas na sinara ang kurtina.

“Anong problema nun?” narinig kong sabi nung babae.

“Period.” Alexis said na hindi naman nagpapatawa pero natawa ung babae. Bwesit. Ayoko na! Kanina pa ako badtrip. Dun pa lang sa groceryhan badtrip na ako dahil sa mga babaeng nagpapapicture sa mokong. Pati ba naman dito sa bahay?

“I’ll cook for you.” Sabi nung babae.

Tatayo na sana ako ng magsalita muli si Alexis. “Wag na. ayaw ni Charm na may gumagalaw sa kusina niya.”

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Where stories live. Discover now