"Damn!" Padabog niyang nilapag ang libro sa lamesa.

Pumunta siya sa kwarto at kinuha ang jacket, sombrero at susi niya.

Saka niya binalikan ang cellphone sa sala at dumeretso kung saan nakaparada ang Ford Raptor Race Red niya.

He wants to finish reading the book of Dan Brown The Lost Symbol. Pero dahil sa mga istorbo na pilit sinisira ang concentration niya aabutin na naman ng ilang araw bago niya matapos ito.

At sa dinami dami ng tao bakit siya pa ang kailangan tawagan ng babaeng yun para makipagkita.

Mahigit dalawang linggo na din nung huli siya nitong tinawagan. Pagtapos nito malaman ang tungkol sa totoong pag katao niya ay nagsorry ito at di na nangulit uli.

Akala niya tapos na ang lahat pero bakit na naman ito tumawag ulit at gusto makipagkita.

2km lang ang 7/11 mula sa bahay nila. Kaya mabilis siyang nakarating at dahil wala na ding masyadong mga sasakyan.

Napatingin siya sa relo niya.

9:45PM

"Anong kayang kailangan ng babaeng ito?" Tanong niya sa sarili.

Hindi siya agad bumababa sasakyan at nagpalipas muna ng limang minuto.

Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan ba ito o hindi.

Dapat ba siyang magpadala sa pangungunsensya nito. Wala naman siyang kinalaman kung may mangyare dito o wala. Hindi naman niya kasalanan yun.

Pero pano kapag may nangyare nga dito. At matagpuan nalang ang katawan nito sa malapit na talahiban. Magkakaroon ng imbestigasyon. Malalaman na siya ang huling nakausap nito. Maari pa siyang maging suspect kung sakali.

He sighed.

Bumaba na siya sa sasakyan at dumeretso sa 7/11.

Nasa bungad palang ay nakita na niya agad itong kumakain ng chichiria at umiinom ng rootbeer.

Iniiscroll nito akyat baba ang cellphone. Hindi niya makita ang reaksyon nito dahil nakalugay ang buhok nito habang nakapulang sumbrero.

Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang pumasok sa 7/11

"Hey!" Bungad niya.

"Martin!" Masayang bati nito

He sighed.

"Ang tagal mo naman kanina pako nag aantay dito." Nakangiti padin ito.

Mukhang good mood naman ito. Ano kayang kailangan nito sa kanya.

"Upo ka dali." Yaya nito.

"Ano bang kailangan mo?" Masungit niyang sabe.

Umupo siya sa upuan sa harap nito.

"Hey don't act like that. Anong gusto mo treat ko?" She smiled.

"I don't like anything. Sabihin mo na kung anong kailangan mo at ng makauwe nako." Aniya.

"Okay!... Lets be friends."

"What?"

"Lets be friends." Ulit nito.

"Yeah! I heard you. Pero anong reason?"

"Bakit kelangan ng rason?" Nagtatakang tanong nito.

Hindi ba dapat siya ang magtaka kung bakit bigla nalang nito gustong makipag kaibigan.

Yumuko ito saka nagsimulang magsalita.

"Actually I feel bad for judging you and for calling you names without basis." She explained.

"Hindi ko to ginagawa dahil nalaman kong mayaman ka at gusto kong magpabango sayo dahil sa mga nagawa ko."

Ano bang pinagsasabe nito. Sa isip isip niya.

"Pero dahil kahit ang tingin ko sayo nung una ay di maganda at kung ano anong tinawag ko sayo. You still respect me, You never tried to get back to me sa mga ginawa ko, hindi mo ko tinawag nang kung ano anong panlait kahit alam kung panget ako."

"At hindi lang yun, Tinulungan mo pako mag-aral at nakinig kapa sa drama ko nung namiss ko yung mommy ko." Patuloy niyo.

May magagawa pa ba siya nung nasa library sila tinakot siya nitong magsisigaw daw ito. At nung nasa sementeryo naman no choice siya dahil wala siyang dalang pera at di siya makakauwe.

"Thank you and Sorry!" She smiled.

Nilahad nito ang kamay.

"Friends?"

Pag inabot niya ang kamay nito ibig sabihin ay tinatanggap niya ang pakikipag kaibigan nito.

Tatayo na sana siya ng bigla nitong hatakin ang kamay niya para makipag kamay..

"Now were friends!" Anito

What?

"So Martin? San mo gustong pumunta let's celebrate are first day of being friends." Masayang sabe nito..

Damn! I want peace!!!!!!!

--------------------------------------------------

Vomment 😊😊
Thank you for reading..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now