Panget 12

5 1 0
                                        

"Hello" May isang lalaking kumaway sa kanya habang nakangiti.

Ang sarap pagmasdan ng ngiti nito.

"Are you an Angel?" She asked.

The man laughed.

"Nasa langit na ba ako?" Tanong niya ulit dito.

Lalong lumakas ang tawa nito.

Nakakagaan sa pakiramdam magmasdan ito. Mukha itong anghel. Maputi ito, Mga asul na mata, matangos na ilong at mapulang labi.

Inshort sobrang gwapo nito.

"I'm not an angel. Wala kadin sa langit." Anito.

Ang lambing ng boses nito. ☺️

Hinawakan nito yung kamay niya at hinalikan yun.

"Tara sama ka saken." Aya nito

Pero para siyang naging bato sa kinakatayuan niya dahil sa ginawa nito.

Ngumiti ito.

Napalinga siya sa paligid. Wala siyang nakikita kundi puro puti lang. Para talaga siyang nasa langit.

"Let's go!" Bahagya siya nitong hinatak.



Wala na siyang paki kahit san siya neto dalhin. Bahala na si Batman. Basta ito kasama niya okay lang sa sobrang gwapo ba naman nito di nman siguro siya neto dadalhin sa impyerno 😅

Deretso deretso lang yung lakad nila, puro puti ang nasa paligid pati ang nilalakaran nila. Ng bigla siyang nahulog.

Pinipilit niyang abutin ang kamay nito pero ang bilis ng pagbagsak niya....

Sumisigaw siya pero walang boses na lumalabas sa kanya...

--------

Hingal na hingal siya ng mapabalikwas siya sa kama.

"It's a dream."

Hindi niya alam kung sweet dream yun o nightmare.

Pero yung lalaki sa panaginip niya. He looks familiar. Parang nakita niya na to sa personal pero hindi niya matandaan kung saan.

Sobrang gwapo nito na napagkamalan niyang anghel ito. Ang sweet din ng boses nito at nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti nito.

Nagtalukbong siya ng kumot.

"GUSTO KONG MATULOG ULIT!!!" Sigaw niya.

Di man niya alam kung saan siya dadalhin ng lalaki sa panaginip niya pero willing siyang sumama.

Ang harooot!! Sigaw ng utak niya.


Ping!


Napaangat siya ng ulo at kinapakapa ang side table ng kama niya.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now