"Buti naman at nakabalik ka na!"
"Oo naman minadali ko talaga ang pag-uwe dito para marinig lang yung mga kwento mo." Anito.
Nasa isang Coffe shop siya kasama ni Mariel. After two weeks ay nakauwe na din ito galing sa Baguio. Pagkadating na pagkadating nito kaninang umaga ay kinontak agad siya nito para makipagkita.
"Halata nga e. Kamusta naman ang Baguio?"
"Ayos naman. . . Pero hindi ko masyadong naenjoy yung mga tourist destination doon." Anito na nakapangalumbaba.
"Bakit naman?"
"Ang dami kasing trabaho kabi-kabila pa yung mga conference na kailangan kong puntahan. Saka sobrang lamig para akong nagyeyelo kapag lumalabas ng hotel."
"Natural lang yun month of February na. . Sa panahon ngayon mas malamig na sa mga ganitong buwan." Paliwanag niya.
Mariel sigh.
"Oh? Ang lalim ng pinaghugutan mo sa buntunghininga na yun a!" Sita niya dito.
"Nakalimutan ko February nga pala. The month of Lovers!" Anito habang nakatanaw sa labas ng shop.
She grin.
"Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. ."
Tiningnan siya nito na parang nagtataka.
"Bakit?"
"Kase wala kang Lovelife. Wala kang kadate nung 14!“
"Siguro nga!? Nakakamiss din magka-Lovelife."
"Bakit hindi mo balikan si Mike?" Suhestiyon niya.
Pinanlakihan siya nito ng mata.
"Bakit anong masama sa sinabe ko? Saka wag mo nga ako tingnan ng ganyan. . Kunwari ka pa eh! Mahal mo pa rin naman si Mike."
"Tigilan mo nga ko Mira! Hindi ko na mahal yun noh!? Kaibigan na lang tingin ko sa kanya!"
DU LIEST GERADE
Ms. Panget meet Mr. Panget
JugendliteraturWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
