Panget 9

42 3 2
  • Dedicated to MeLissa Pongpong
                                        

Medyo masakit pa ang ulo niya. Para siyang may Hangover. Hangover sa pag-iyak.

Hindi na niya rin namalayan kung anong oras na siya nakauwe. Pag-uwe niya kase ay deretso agad siya kwarto niya at natulog.

Basta ang sigurado lang niya ngayon ay nagugutom na siya. Kumukulo na kase ang tiyan niya kaya kailangan na niyang kumain para tumigil na sa pagwawala ang alaga niya.

Nang biglang bumukas ang pinto. At sumilip ang mahaderang katulong nila na nagngangalang Anna.

"Ma'am?"

"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong dito.

"Ahh. Ma'am pinahatiran ka po ni Don Emmanuel ng Agahan." Anito.

Siguro ay nag-aalala ang Daddy niya sa kanya dahil kahapon pa siya hindi sumasabay sa pagkain nito.

"Sige pakipasok!" Utos niya.

Ipinasok nga nito ang isang tray na may isang bowl ng chocolate cereal, bread n' cheese, isang baso ng gatas at isang mansanas.

Yun ang mga paborito niyang agahan. Sigurado siya na pinasadya yun ng Daddy niya. Kaya paglapag nito sa kama niya ay agad niyang nilantakan ang mga ito. Ganun siya kagutom.

Hindi naman kase siya nakakain ng maayos kagabe. Kahit nung pumunta sila sa isang Italian Restaurant ni Martin.

Speaking of Martin!

Nakauwe kaya ito? Ayaw kase nito magpahatid sa bahay, nagpahatid lang ito hanggang 7/11. Sa pagkakaalam pa naman niya ay naglakad lang ito papuntang doon kagabe. Dapat pala ay binigyan niya ito ng pera para nakasakay ito.

Hindi niya tuloy maiwasan mag-alala. Pasado alas-dose na kase sila nakauwe. Delikado na pag ganung oras. Kapag may nangyare ditong masama ay siguradong konsensya niya yun dahil kung saan-saan niya pa ito dinala kagabe. Kahit sabihin na mukhang pa itong masamang loob ay baka mapagtripan ito.

Kaya kinuha niya ang cellphone niya para sana tawagan ito ng biglang magring yun.

 

 

 

Si Martineque. . . Ito agad ang pumasok sa isip niya.

Pero pagtingin niya sa screen ng cellphone niya ay bahagya siyang nadismaya.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now