Pagdating nila sa bahay nila Mike ay nakita agad nila ito na nag-aabang sa tapat ng gate.
"Ang tagal niyo naman." Bungad nito.
"Nagdrama pa kase itong si Mira." Sagot ni Mariel.
"Anong ako? Natagalan tayo kase nilantakan mo pa yung laman ng ref namen." Bwelta niya.
"Kayong dalawa talaga nagturuan pa." He laugh.
Siya si Mike Shawn. Naging kaibigan niya ito dahil kay Mariel. Ex-boyfriend kase ito ni Mariel pero ganun pa man ay naging bestfriend parin ang dalawa. Noong una hindi siya naniniwala na pwedeng maging magkaibigan ang dating magkasintahan. But Mike and Mariel proves that it can be.
"Nga pala nagpaluto ako ng putchero. Kumain muna tayo bago tayo maginuman.." Yaya nito.
"Tamang-tama hindi pa ako naghahapunan. Nagugutom na ako" Singit ni Mariel, nauna pa itong pumasok sa bahay.
Ano daw? Hindi pa naghahapunan. . . Samantalang halos ubusin nga nito ang laman ng ref nila.
"Ikaw Mira?" Tanong sa kanya ni Mike.
"Sige ! Hindi parin ako naghahapunan." Aniya.
"Sayo naniniwala ako na hindi ka pa talaga naghahapunan. Pero kay Mariel hindi, lage naman kase itong gutom. Haha" Anito.
She laugh.
Minsan nagtataka siya kung bakit naghiwalay ang mga ito. Samantalang bagay sila sa isa't isa. Minsan nga kung hindi niya alam na wala ng relasyon ang mga ito ay mapagkakamalan niyang magboyfriend-girlfriend to.
"Alam mo namang pagkain ang kasayahan nung babae na yun." Siya.
"Oo nga e. Buti hindi siya tumataba. . . Pero ayos lang kahit pa tumaba siya tatanggapin ko parin naman siya." Anito.
Parang ang lalim naman ng ibig nitong sabihin. Kung minsan talaga hindi niya maintidihan ang mga pinagsasabe nito basta si Mariel na ang pinag-uusapan.
"Hmm.. Mike tanong ko lang. May feelings ka pa ba kay Mariel?"
Bigla itong namula at parang nailang.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
