"Mira?"
Naglalakad siya sa Hallway ng biglang may tumawag sa kanya.
"Oh! Jasmin. Bakit?"
"Wala daw tayong Prof sa second subject naten may meeting daw sila. . Kaya pwede na tayong umuwe." Anito.
Classmate niya ito. Ito ang tumatayong reporter nila sa klase dahil ito ang nagbabalita sa kanila kung may pasok o wala o kung may professor ba o may meeting ang mga ito.
"Okay! Salamat." She smile.
Napapansin niyo ba na lage siyang nakangiti. Sabe kase nila na kapag nakangiti daw ang isang babae ay lalong gumaganda kaya nagbabakasali siyang gaganda siya kapag ngumingiti.
Buti na lang talaga at walang prof sa susunod na subject dahil hindi na niya kaya ang antok. Madaling araw na kase sila nakauwe galing kila Mike. Lasing na lasing pa si Mariel kaya kinailangan na muna niya ito ihatid bago siya umuwe.
"Hoy Panget!"
Hindi niya yun pinansin kahit alam niyang siya ang tinutukoy nito.
Hinablot nito ang bag niya.
"Hoy Panget kapag tinatawag kita lumingon ka."
"Oo nga ! Lumingon ka." Singit ng mukhang ipis nitong kasama.
"Sorry huh? Akala ko kase sarili mo ang tinatawag mo." Mataray niyang sagot.
"ANONG SABE MO?" Sigaw nito.
Kahit panget siya ay marunong din siya lumaban. Wala sa bukabularyo niya ang salitang mag-paapi. Aanhin niya pa ang pagiging Mira Sebastian niya kung hindi niya gagamitin.
"Sabe ko mukha kayong ipis na dalawa." Kalmado niyang sagot.
"Ang kapal din naman ng mukha mo. Hindi mo ba ako kilala?" Anito.
"Oo nga! Hindi mo ba siya kilala?" Singit na naman ng kasama nitong ipis.
"Syempre hindi. . . Bakit anak ka ba ng presidente para makilala ko?" Masarkasmong sagot niya.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
