Panget 10

36 3 2
                                        

"Aaarrgghh!" Ibinato niya sa nakasaradong pinto ang hawak-hawak na unan.

Naiinis siya. . Hindi niya alam kung saan o kung kanino pero naiinis talaga siya ng sobra. Nandito yung gugulong-gulong siya sa kama, maglalakad paikot sa kwarto, kakagat-kagatin yung unan at kung anu-ano pa.

Hindi siya mapakali simula ng malaman niya kung sino talaga si Martineque. Pakiramdam niya siya na ang pinakamasamang tao sa mundo. Hindi na nga siya nabiyayaan ng gandang panlabas pati ba naman kagandahang loob wala siya.

She sigh.

Tama naman kase ito, hinusgahan niya ito kahit hindi niya pa ito lubos na nakikilala tapos kung anu-ano pang itinawag niya dito. Pinagkamalan niya pa itong magnanakaw, akyat-bahay at kriminal. Masyado siyang naging Jugde mental.

"He deserves a apology."

Kinuha niya ang cellphone niya at akmang idadial ang number nito.

Pero bigla siyang nakaramdam ng hiya na kausapin ito. Pagkatapos niya sabihin dito na hindi siya mag-sorry tatawag-tawag siya ngayon. . Baka kung ano ang isipin nito.

Pero kailangan niya lunukin ang pride niya sa pagkakataon na ito. Para matigil na ang konsensya niya sa kakausig sa kanya.

Kaya tuluyan na niyang dinaial ang number nito bago pa magbago ang isip niya at kainin siya ng hiya.

Calling . . .

   Martin

-Bakit?

"Ahmm. . . A-ano kase?"

-Kung wala kang sasabihin wag kana lang tumawag.

Ang sunget naman!

 

 

"G-grabe ka naman!"

-Ano ba sasabihin mo? Dalian mo dahil busy ako. . . May aakyatin pa kaming bahay mamaya.

Kakainis! Nang-aasar pa ito.

 

"Amm. . A-ano!? S-s-s-o-o-r-r-y!"

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now