Pag dating niya sa Library ay nakasarado yun. . Nakakapagtaka dahil sa ganung oras ay maraming studyante ang pumupunta roon.
Pinihit niya ang door knob. Hindi yun naka-lock kaya binuksan niya yun at pumasok sa loob.
"Bakit walang tao dito?" Aniya.
Ni isang studyante kase ay wala . . Kahit si Mrs. Legaspi na Librarian nila ay wala rin. Samantalang maaga pa para sa Lunch break.
Nagtataka pero tumuloy parin siya. Naglog-in lang siya sa Log book saka tumuloy sa book shelves ng Accounting.
"Ang tahimik naman." Bulong niya.
Nakakabingi yung sobrang katahimikan. Hindi niya tuloy mapigilan na matakot. Balibalita kase na may nagmumulto daw na babaeng duguan sa Library kapag gabe. Pero umaga palang naman kaya wala siyang dapat ikatakot.
Kaso biglang nagtayuan ang balahibo niya ng may narinig siyang kaluskos.
"M-MAY TAO BA DITO?" Sigaw niya.
Pero walang sumagot.
Lalo siyang kinilabutan. Para kaseng may nakatingin sa kanya kung saan. Pakiramdam niya may mga nakasilip sa shelves na naroon.
Nagsign of the cross siya at nagsimulang magdasal ng Our Father. Hindi siya relihiyoso pero kapag natatakot sya ay sa panginoon lang siya kumakapit.
"Tapos kana ba magdasal?"
Halos mapatalon siya ng may biglang magsalita sa likod niya. Paglingon niya ay isang walang mukhang lalaki ang nakita niya.
"AAAAHHHHHH!" Tili niya.
Tumakbo siya pagkakita dito. Malapit na sana siya sa pintuan ng mabunggo niya ang isang maliit na shelf ng mga magazine. Dahilan para madapa siya. .
Sumobsub siya mga nagkalat na magazine saka umiyak. Natatakot talaga siya at sa tanan ng buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganun.
"Are you alright?"
"W-wag mo po ako P-papatayin!" She said between sobs.
"Do you really think that I am a killer?" Tanong nito.
Hindi siya sumagot. Ngayon lang niya nalaman na pwede palang makipag-usap ang multo sa mga tao.
"Kagabe akala mo magnanakaw ako. Ngayon akala mo naman ay mamatay tao. Ganun ba kasama ang itsura ko." Anito.
Doon lang siya napaangat ng mukha. Pamilyar kase ang boses nito at anong ibig nitong sabihin?
"I-ikaw?"
"Tumayo kana diyan. . May CCTv kamera dito baka akalain ng iba kung ano na ang ginagawa ko sayo."
Pagkasabe nun ay tinalikuran na siya nito at nagsimulang basahin ang dala-dalang libro.
Bumangon na siya sa pagkakadapa. Pero hindi parin nawawala ang takot niya. Hindi niya kase alam kung anong ginagawa ng lalaking iyon dito sa eskwelahan nila.
Ito yung lalaking nakita niya kagabe sa 7/11 na lalaking walang modo at mukhang magnanakaw.
"A-anong gingawa mo dito.?" Tanong niya pero hindi ito sumagot patuloy lang ito sa pagbabasa.
"H-hoy sagutin mo ako!"
Pero hindi parin ito nagsasalita. Wala talaga itong modo.
Kaya kumuha siya ng isa sa nagkalat na magazine at ibinato yun dito. Sapol ito sa ulo.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
