"Martin p-please wag mo akong iwan. . . Parang awa mo na tulungan mo ako!" Pagmamakaawa nito.
Punong-puno ito ng pasa at ang damit nito ay puro dugo.
Anong ginawa nila sayo? Gusto niyang itanong dito.
Pero walang boses ang lumalabas sa kanya kahit anong pilit niyang sumigaw.
May lumapit ditong tatlong lalaking nakaitim. Kinaladkad ito. Gustong niyang lumapit sa mga ito at pagbubogbugin ang mga lalaking walang hiya. Pero hindi siya makagalaw.
"M-martin please help me!" She cried.
Gusto niya itong lapitan. Pero wala siyang ibang magawa kundi pagmasdan ito habang umiiyak.
"P-lease!"
Pilit niyang inaabot ang kamay nito pero lumalayo siya ng lumalayo.
Hanggang sa naglaho ng lang ito.
"MAARTIIN!" Sigaw nito sa karimlan.
"S-SHAIRA!"
Napabalikwas siya ng bangon.
Inilibot niya ang paningin sa buong kwarto. Maliwanag doon, walang tatlong lalaki at walang Shaira.
Isa na namang masamang panaginip.
Bumangon siya at pumuntang banyo. Hinubad niya ang suot na sando dahil basang-basa yun ng pawis. Naghilamos siya para magising.
Nightmares!? Sanay na siya. Sa loob ng dalawang taon walang gabing hindi siya na nanaginip ng kung anu-ano tungkol kay Shaira. Nagtataka nga siya kung minsan kung bakit pa siya nagigising. Siguro ay para magdusa.
Time may past pero hindi niya parin makakalimutan ang mga nangyare.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
