Panget 2

63 3 0
                                        

Nasa Luneta siya at naghahanap ng date. Valentine's day kase at wala siyang kasama. May kanya-kanyang kadate ang mga kaibigan niya. Ang kaso mali yata ang lugar na napuntahan niya lahat kase ng nandun ay puro couple na naglalambingan. NakakaBitter lang d=3=b

 

 

Kaya bumili siya ng Ice cream at Cotton candy saka pumuwesto sa isang tagong lugar sa park. Wala masyadong tao roon at tahimik pa kaya na-enjoy niya ang pagkain. Perfect place para sa mga single na tulad niya.

 

 

Nagulat siya ng may isang kabayong . . . este tao na kumalabit sa kanya.

 

 

"Excuse me miss?"

 

 

"Yes?" Mataray niyang sagot.

 

 

"Wala ka bang kadate? Wala kase akong kadate."

 

 

"So?" Pagtataray niya parin.

 

 

Wala talaga siyang gana na makipag-usap sa mga strangers na galing sa ibang planeta.

 

 

"Pwede ka bang kadate?" Nakangiting tanong nito.

 

 

Tiningnan niya ito mula uloi hanggang paa ng dalawang beses, medyo nalilito kase siya kung saan ang ulo at ang paa.

 

 

"Sorry! Pero okay na ako dito mag-isa." Aniya.

 

 

"Mabait naman ako. Saka masaya din ako kasama. Hindi ka magsisi kapag pumayag ka. Ano miss?" Pagpupumilit nito.

 

 

"Bakit ang kulit mo? Ayoko nga! Umalis kana." Pagtataboy niya dito.

 

 

"Ang choosy mo naman. Buti kong maganda ka. Panget ka naman!" Anito.

 

 

Aba! Lakas makapanglait nito. Akala mo gwapo mukha namang kabayo ni hindi pa nga nag-eevolve sa pagiging tao.

 

 

"Hoy mister! Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng panget hindi ka na nahiya sa mukha mo. Try mo tumingin sa salamin ng makakita ka ng kabayo. Nakakahiya sayo!" Naiirita niyang sagot.

 

 

Aalis na sana siya ng may maalala siyang sabihin.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now