"D-dad sino po ito?"
Hindi niya kilala ang nasa larawan. Pero marami silang pagkakaparehas. Pango ang ilong nito, medyo singkit na mga mata, at makapal na labi. Kaibahan lang ay makinis ang mukha nito siya kase ay tinutubuan ng Pimples..
Sino ba kase ito?
"Siya ang Mommy mo." Malungkot na wika nito.
What?
Akala ba niya hindi siya ampon tapos ngayon sasabihin nito na ang babaeng nasa larawan ang Mommy niya.
"P-pero diba sabi niyo . . H-hindi ako ampon."
Pumunta ito sa balcony at tumingin sa malayo. Sumunod naman siya dito.
"Hindi ka ampon. Anak kita, anak ka namin ng Mommy mo." Sagot nito pagkaraan ng ilang sandali.
Ano daw? Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. Hindi daw siya ampon kung ganun sino ang nasa picture na tinutukoy nitong Mommy niya.
Naguguluhan na talaga siya.
"D-dad hindi ko maintidihan. Bakit mo sinasabe na Mommy ko tong nasa Picture?"
He sigh.
"Siya ang Mommy mo. . . Siya si Teressa."
Teressa?? As in Teressa Marie Sebastian? Pangalan yun ng nakalakihan niyang Mommy aa.
"Wag ka naman mag-joke Dad. Hindi magandang biro yan." Pinilit niyang pinasigla ang boses.
"I'm not joking hija."
"D-ad?"
"Ayaw ko itong ipaalam sayo dahil gusto kong panatilihin ang magandang alala ng Mommy mo kaya imbes sabihin ang totoo ay itinago ko ito."
"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
