Pagkatapos maglinis ay tinuruan ako ni ate kung paano gawin ang ibang drink, nilko ko pa nga siya na kukunin ko ang recipe niya at magpapagawa ng coffee shop sa tapat niya para kalabanin yung coffee shop niya, natawa naman siya.



"Good morning."




Napatingin kami ni ate sa nagsalita, It's Kuya Percy. Nakita kong nagulat pa ito nang makita ako, agad siyang niyakap ni Ate Raillie. "Aba sipag ah. Mabuti pala at may gumawa na ng trabaho 'ko." pagbibiro ni Kuya Percy kaya't hinampas siya ni Ate Raillie.



"Bukas na ang Senior Ball ha." sabi ni Kuya Percy.



"Oo nga eh."



"Hindi ka ba naeexcite?" natatawang sabi ni Ate Raillie.



"Hindi." nakanguso kong sabi.



"Hala bakit?" tanong ni Ate sabay yugyoy sa'kin. "Masaya 'yon promise!!" pagpipilit pa ni Ate.




"Hu palibhasa ikaw, excited na excited ka non." natatawang sabi ni Kuya kay Ate Raillie,



Napagalaman 'ko na nung Senior Ball sinagot ni Ate Raillie si Kuya Percy, napangiti tuloy ako. Natapos ang araw namin na kinwentuhan nila ako ng love story nila. Magbestfriends daw sila dati tapos palaging inaasar ni Kuya Percy si Ate Raillie, tapos isang araw nagulat si Ate kasi umamin si kuya. Nainis pa nga daw si kuya kasi tinawanan pa siya ni ate.



"Eh malay 'ko ba kasing 'di ka nagjojoke non." natatawang sabi ni Ate Raillie.



"Hu nakakahurt kaya!" madramang sabi ni kuya kaya natawa kami ni Ate Raillie.




Inaya ako nila Ate Raillie maglunch bago ako ihatid pauwi.




"Pupunta ako sainyo ng 5 ah." masayang sabi ni Ate Raillie.



"Sige ate."

"Sama ako ah! Kotse ko nalang ipanghahatid sa'yo" masayang sabi ni Kuya.

"Ay wow supportive cousin." pangaasar 'ko.

"siyempre naman." natatawang akbay sa'kin ni kuya.

"Ang cute niyo!!" masayang sabi ni Ate Raille sabay picture sa'min gamit ang phone niya.

"Syempre lahing Bartolomeu yata 'to." pagmamayabang na sabi ni kuya.




"Ay wow sana all Bartolomeu." sabi ni Ate Raillie



"Huwag ka mag-alala, soon gagawin kitang Bartolomeu." nakangising sabi ni kuya kay ate. Napatawa ako nang makitang nagblush si Ate Raillie.


"Pda!! Pda!!" pangaasar "ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at napanguso. Mamayang 7 pa naman yung party kaya't naisipan 'kong magjogging muna. Huminto ako sa isang tabi para umupo at magpahinga. Nang mag 4 ay natapos na ako maligo at nagsuot ng botton down shirt para pag minakeupan at inayos ang buhok 'ko ay hindi magugulo ang buhok ko.



Habang inaantay sila Ate ay napagisipan ko munang magphone, wala kasi akong magawa. Habang nagphophone ay kumakain ako ng prutas. Napatawa ako nang mapatingin sa gc namin nila Maris,




uMARISngwalangpasabi: hoy

sairaall: hoy ka rin

karinana: ang papanget ng nickname niyo!!

sairaall: hiyang hiya. ang baho kaya ng nickname mo rito!! Nana amp.

uMARISngwalangpasabi: minemakeupan na ka'yo?

karinana: 'di pa and by the way, ako ang magmamakeup sa sarili ko.

sairaall: share mo lang nana?

karinana: inggit ka lang palibhasa 'di sanay magmake up blee

sairaall; mamaaaa huhuhu sumbong kitaaa!!!




Nang makita nila ako magseen ay napangiti ako,







karinana: reply naman diyan ssob addiedaughter

sairaall: wala, snobber na 'yan hmp!

uMArisngwalangpasabi: what color yung gown niyo?

karinana: oo nga snobberish yan! let's not talkish her!!

sairaall; pagbigyan natin, heartbroken yan.

addiedaughter: mga baliw, pansinin nyo si Maris!! hahahhaha

uMARISngwalangpasabi:  mga bwiset.




Nang marinig ang doorbell ay pinatay ko muna ang phone"ko para tingnan kung sino ang tao. Nang makita sila ate at kuya ay pinapasok ko ito agad.




"Kain muna ka'yo." masayang sabi ni Mom kanila ate.

Nakita kong nagchikahan muna sila Ate at mommy, wow talking with the future kamaganak in laws! Napatawa ako bago tumingin sa phone 'ko at agad na napahinto.

karinana: UY PUCHA TINGNAN NYO REH

sent a photo

sairaall: ay gagu

uMARISngwalangpasabi: hala!!!


Napatitig ako sa sinend ni Karina, it's Natalia's ig story. Nasa picture na inaayusan siya ng buhok ng stylist, habang nasa likod niya si Dayle na nagphphone at ang caption ay 'ang aga dumating hmmmm ba't kaya?'

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon