Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [35]

Mulai dari awal
                                    

"CHACHA! ^_______________^ GOOD MORNING!"

Jacob? Hmm. Anlaki ng ngiti ah. Tss. Pandagdag sa inis. ~__~ Pero.. okay lang. Habang natagal nagkakasundo naman kami. But we're not FRIENDS. Hmm. Ayun, humiwalay na ako sa kanila. Umupo ako sa upuan ko at.. natulog! Ewan ko ba. Antok pa din ako. Sorry ha. Amboring ko ngayon. Siguro ito na yung epekto ng gamot.

Cass- HOI! Umagang umaga para kang namatayan diyan!

Ang ingay. Pagtingin ko.. Si Cassandra pala. Hmm, siguro dahil sa pinakita niya talaga na nagsisisi na siya at ready na siya magbago.. Okay na ako sakanya. Magaan na din ang loob ko sakanya.

"Bakit ang aga aga nakaubob ka diyan? Balita ko nagkasakit ka ah. May sakit ka pa din?" Tapos hinawakan niya yung noo ko.

"Wala na. Okay na ako. Ewan ko. Masama lang talaga ang gising ko. Badtrip ako sa di malamang dahilan."

"ASTIG yun! O___O Badtrip pero hindi mo alam kung bakit. Sige. Ayos yun."

"Baliw. Ang aga aga ginugulo mo ako. Lumayo ka nga sa akin."

"Ouch. Tinataboy mo na naman ako. Lagi na lang."

Tapos nagacting siya na nasasaktan. Ang baliw ng babaeng to! Haha :) Natatawa tuloy ako sakanya. Ayun, usap usap lang kami. Unang beses ata namin magusap ng matinong bagay. Na hindi naman talaga matino pero matino ang paguusap. SORRY ang gulo ko. Epekto yan ng gamot! Tawa lang kami ng tawa hanggang sa..

*BLAAAG*

"O bhes, para kang nalugi ng isang bangkang isda dahil sa red tide. Bakit magkasalubong ang kilay mo?"

"Nagdadate sila wag mong pakialaman."

"SUNGIT NATIN AH! Merun ka noh?"

"Baliw. Next week pa. Ikaw ba? Merun ka na ba? Diba una ka sa akin ng one week?"

"Oo. Second day ko ngayon."

HELLO?! LALAKI AKO! Bakit nila pinaguusapan yan sa harapan ko?! Tss. Ano ba naman tong dalawang to. Paguntugin ko sila ee. Tumingin sakin si Courtney at.. *ROLL EYES* Huh?! Anong ginawa ko sakanya?! Bakit naman niya ako sinusungitan? Payback time?! Maya maya umalis na siya.

"Ano kaya problema nun?"

"Ewan ko din."

"Try mo kayang sundan! Baka nagpapakmatay na pala yun."

"BALIW!"

"I know. I know. Sige na go!"

Tapos sinundan ko naman si Courtney sa may labas ng room. Siyempre. Baka nga naman may kasalanan na naman ako sakanya. E DI MAGSOSORRY ako! Kasi naman.. Nasungitan ko siya kanina. Ewan ko. Badtrip ako ee. Pero okay na naman. Thanks Cass. (Naks. Hindi na Cassandra. Umaasenso ka Kean!)

"COURT--ney." :|

B-Bakit? Bakit sila magkasama? Bakit siya tumatawa? B-bakit?

**

CHANEL'S POV

Ano bang problema ni Kean?! Bakit ba ang sungit niya?! Kanina pa siya! Grrr.

May naririnig akong tumatawag sa akin! Lingon lingon.. Si Jacob pala! Nilapitan niya ako. Si Kean naman nagtuloy tuloy lang ng lakad papunta sa room at sa chair niya. Grr. Bakit hindi man lang niya pinansin na katabi ko si Jacob.

"Oh. Bakit ganan ka? Sungit natin ah!"

"Sorry. BV kasi."

"Bakit naman?! Aba at nakiki BV ka na ngayon?!"

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang