Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [31]

227K 2.1K 264
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 

CHAPTER 31

CHANEL'S POV

Lumipas ang isang linggo. Na sobrang boooorriiinnnggg. Bakit?! Kasi wala namang unusual na nangyari ee. At ngayon nandito kami ngayon sa school. At monday na naman at MAY MUSIC NA NAMAN! At magkakagroup pa din kaming apat. Buti naman! Whoo!

"Wife kumain ka na ba?"

"Oo bakit?"

"Ah. Wala."

Tapos naglalakad na kami papuntang room 138. Feeling ko ang putla ni Kean? Bakit kaya.

"Husband, okay ka lang ba? Parang ang putla mo?"

"Huh? Baka gutom lang. Di ako nagbreakfast."

Ha? Bakit ngayon lang niya sinabi. E nandito na kami sa classroom. Buti na lang may baon si mama na lunch sa akin.

"O eto kain ka. May pinabaon sa akin ang mama."

"Sayo yan ee. Ano ka ba kumain ka na."

"Pasandal na lang ako sayo. Ang sakit kasi ng ulo ko.."

Hala. Bakit? Hmm. Paano ba? E saan?! Paano siya sasandal sa akin?! E hindi naman kami kasya sa upuan? Hmm..

"Kandong ka na lang sa lap ko." >///< nababaliw na ba siya?! Hello?! Asa school po kami! Haha. At kokonti pa lang ang estudyante.. 5 pa lang ata kami sa room. Napaaga kami masyado ee.

"E kung suntukin kita?"

"Masakit na nga ang ulo. Ang sweet mo talagang asawa nu?"

"Naman!"

Umupo na lang ako sa desk ng chair mahaba naman yun. Tapos ayun, sinandal ni Kean ang ulo niya sa likod ko, pinulupot pa niya ang kamay niya sa waist ko. Naiilang naman ako sa ganung pwesto. Tapos dumating na sina Ivy at Cholo.

Ivy- Ahem. Ang magasawang to naman. Sa bahay niyo na po yan gawin ha? Sa bahay.

Cholo- Oo nga pare. Lalanggamin kami sa classroom.

Ako- Kayo talaga. Nahihilo po kasi ang aking fiancee. Kaya wag kayong magulo diyan!

Ivy- Ang hirap naman ata ng pwesto niyo?

Ako- Hindi ko din alam kasi kung papano ee.

Cholo- Hai naku. Kumuha ka ng chair na may left na desk at chair na right ang desk tapos pagtabihin mo!

WOW! Oo nga nuh? Ang talino talino talaga ni Cholo! Oo nga nuh! Teka kukuha ako ng-- Oops.

"Hala. Sorry. Patpat. Okay ka lang?"

"afhagkajfsio"

Ano daw yun? Nakaubob lang siya sa table. Aba. Parang masama talaga ang pakiramdam niya ah? Kawawa naman ang baby ko. BABY?! :)

"Ivy, Cholo kayo na lang ang kumuha ng chairs please? Kawawa naman ang asungot na to ee." Nagnod naman sila.

Ako ang ginawa ko, binuhat ko yung ulo ni Kean tapos ipinatong ko muna sa balikat ko. Wala naman siyang lagnat kasi hindi naman siya mainit. Baka masakit lang talaga ang ulo. Wala pa naman akong gamot ngayon. Tapos ayun kumuha sila ng left desk na chair at idinikit sa chair na inuupan ni Kean. Ayun umupo ako dun sa may left na desk tapos si Kean naman ipinatong na talaga ang ulo niya sa shoulders ko. Inakbayan ko naman siya. Yung left hand ko nakahawak sa may noo niya habang nakaakbay. Gets niyo ba?

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon