Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 

CHAPTER 2

KEAN'S POV

Hi. I'm Kean Patrick Padua. 18 years old. COMM ARTS sa censored University. Ayoko magsalita kasi ayoko lang. I love Blue? Favorite ko eh. Filipino. Duh?! Kaya nga nasa Philippines. Yun lang.

Aish! Ito naman ako. Nagiisip. Bakit ko naman niyakap yung babaeng yun? Ang galing naman kasing umarte... Pagkahila ko sakanya naiyak na agad ang p*ta! Nadala tuloy ako. Ikaw ba, sino ba namang hindi madadala pag ganung kagaling ang kapartner mo! Isa pa, gusto ko siyang amuyin. Bakit ba?! Kaamoy kasi niya yung mama ko.

"OH MY GOSH! Guys nakita niyo ba yun?! YUN! Yun yung sinasabi kong FEELINGS! Bianca, nakita mo ba yung ginawa ni Chanel?! Umiyak agad siya! Dapat gawin mo din yun! Grabe! Kinilig ako dun ah!" Tuwang-tuwang sabi nung Cassandra.

"Tama na nga Cass! Ang daldal mo na, oh Bianca ganun ang galaw ha? Wag masyadong limited." Sabi naman ng best friend niya.

"Grabe Chanel! Kung blockmate ka lang namin I'm willing to give up Cindy's role! Sobrang sarap panuodin!" Todo puri naman din si Bianca.

"Why not?! Let Chanel and Kean practice muna kasi nilalabas ni Kean yung acting skills niya." Sabi ni Ria.

"Tama! And let Bianca and Jake practice! I saw them kanina, they're good as well." Dagdag pa ni Ivy.

"Osige, nice comments. Sige let them practice and we'll see kung sino ang mas okay sa role na "Raphael" Sus, pake ko naman sa role na yan? Bala na. Amp.

CHANEL's POV

Pagkatapos nila magpractice, take note : NILA, kasi yung magaling na si Kean ayun tinopak na naman at nagsigawan na naman kami kaya na--badtrip siya at nagsoundtrip na lang. Mayroon pala talagang tao na super opposite mo! As in wala na kaming pinagkasunduan! Ewan.

After ng practice and props making, nagsi-uwian na sila. The next day inayos naman nila yung props kasi kakaunti lang yun. Hapon na kasi sila dumating sa bahay kasi may class pa daw sila. Tapos noong sabado doon na lang ulit sila nagpractice ng pag-arte. Pass muna kami ni Kean. Kasi madami ako assignment at itong si Kean binibuwiset ako.

KEAN'S POV

Ang dami namang ginagawa nitong si Courtney. Mas okay nga yung Courtney kesa sa Chanel eh. Kasi katunog ng Channel ang Chanel parang TV lang. Weird. Sa dami ng ginagawa niya ginawa ko na din lang na excuse yun para hindi ako makapractice. Siyempre, mautak ata ako!

Wala naman akong pakialam sa grades ko, eh ano naman kung bumagsak? Sus. Kaso, itong si Cassandra seryoso talaga para sa final exams. Ayoko naman maging dahilan ng pagbaba nila. NAKA NAMAN! may puso to no! Ha! Tsaka baka kainin ako ng buhay nung babaeng yun, pagtulungan pa nila ako ni Courtney.

At dahil sa wala akong magawa bibiwisitin ko na lang ang babaeng to...

"Ano ka ba?! Umalis ka nga dito! Wag mo akong guluhin!" (haha kitams! ang dali mapikon kaya masarap asarin!)

"Hindi naman kita inaano diyan ah! Nagpapatugtog lang naman ako dito!"

"Bakit dito pa?!"

Pumasok kasi ako sa loob ng kwarto niya, mas kumportable ako dito kaysa sa sala na ang ingay-ingay lang nila."Busy sila dun no, pati diba sabi mo okay lang naman na gamitin ang bahay mo?!"

"Oo nga, pero kwarto ko naman to! P-R-I-V-A-C-Y! naman!"

"Alam ko ang spelling at meaning ng privacy na yan no! Tsaka hindi ka naman naliligo o kaya nagbibihis o kung ano pa man kaya wala akong ginagawa na masama!"

"FINE! Magpatugtog ka lang diyan!" HA! Nanalo ako, pikon na siya! Tapos tumahimik na siya, whoo. Lumabas na muna ako, mukha kasing seryoso tong supladang to. Paglabas ko nakita ko naman sina Cassandra tapos nilapitan niya ako.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Chanel huh?"

"Ah, may tinanong lang ako"

"Wushuuu, ikaw ha! Siguro may gusto ka na kay Chanel no?!"

"Mali ang iniisip mo, wala akong panahon sa ganyan. Ge."

ANAK NG! Nakakainis na yung babaeng yun, pati yung ibang babae! TSS! Konting lapit lang, konting kausap lang, bibigyan na agad ng malisya! Wala naman akong gusto kay Courtney! ASA NAMAN! Siya lang kasi yung babaeng naiiba, para nga siyang lalaki kung kumilos eh. Yung parang kumportable ka sa kanya kasi hindi niya bibigyan ng malisya yung mga gingawa mo, maiisip mo din na yung mga pinapakita niya hindi plastik lang para magpasikat! P*TA!

"Oh, bakit ka nagbalik? Ano na namang kailangan mo?!"

"Mag-aral ka na lang diyan, di naman kita guguluhin at wag mo akong pakialaman dito"

Tapos di na siya umimik, napansin ata niya na wala ako sa mood. DAPAT LANG! Anak kasi ng... AMP! Kakaasar kasi yang mga babae. Tss. Tska pag nagpumilit siya na mangulit makakatikim siya sakin at masisigawan ko na naman siya.

Mga after 5 minutes, kalmado na ako, tapos may narinig ako... kumakanta pala siya.

"Everybody's got something they have to leave behind. One regret from yesterday that just seems to grow with timee..."

Napatigil naman ako, yung kinakanta kasi niya yung favorite song ng mama ko. Lagi niya yung kinakanta habang nagluluto siya. Ang ganda nga ng boses ni—yawn. Inaantok na tuloy ako.

CHANEL'S POV

Aba hindi ata umiimik si sung-- Ay? Tulog na pala siya, pagod? Oo! Pagod kagugulo sakin! Inalis ko yung sapatos niya. Ganoon kasi lagi yung ginagawa ko sa papa ko dati pag umuuwi siya galing trabaho after ko alisin yung sapatos at medyas niya, Infairness hindi mabaho ang paa niya! JOKE, tinakluban ko na siya ng kumot. Malamig kasi sa kwarto ko, tapos rainy season pa ngayon!

Ayan, tapos na ako sa pagaasikaso sa kanya. Tapos na din ako sa mga assignments ko! Wooh! Mahaba habang essay din yun. Bababa na muna ako at iche-check ko kung buhay pa sina Cass.

Nakaka isang linggo na kaming magkakaibigan and yet super close na kami, siguro kasi lahat kami mababait. Naks naman! Pinuri ang sarili? Minsan nga kung ano ano ginagawa namin pag magkasama. And take note, may nabubuong pag-iibigan between Ria and Luke, Cholo and Ivy (well dati pa naman sila mayroong something, MU na sila oh!) and... Bianca and Jake! Diba?! Dahil siguro masyado nila na-feel ang role ni Cindy at Raphael, naging true to life tuloy.

Naabutan ko sila sa sala nanonood ng TV at kumakin ng chips, nilapitan na nila ako lahat tapos...

"Anong ginagawa ni Kean sa kwarto mo, aber?!" Tanong nilang lahat sa akin.

Weh? Kaloka naman ang 'hello' nila sakin diba? Si Kean? O ano naman mayroon sa pagtulog niya?

"Chill nga kayo, grabe naman, ayun natutulog siya sa kwarto ko."

"What! Hindi ba parang... ang awkward naman?"

"Ah, hindi naman siya nag-iingay kanina kaya nakagawa ako ng assignment ko. Tapos pag tingin ko tulog na siya, that's it."

"Nagiging close na kayo ah! I mean.. sayo lang siya ganyan ah!"

"Don't care... stop this issue na. Go back to your work na, Chapter 5 pa lang kayo no! Practice na!"

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursMga Kuwentong Mamahalin Mo