Pero nang sandaling iyon ay hindi siya pinansin ni Maxwell, ang paningin nito ay nasa akin pa rin. Napakarami nang pang-aasar na sinabi ng mga kapwa niya doktor pero 'eto at hindi pa rin nagbabago ang emosyong nababasa ko sa kaniyang mukha.

Pumalakpak si Maxpein nang makalapit. "Overjoyed because of adobo, really?" ngisi niya sa kapatid. "Iba ang toyo sa Cebu, gano'n ba?"

Nilingon niya ako at gano'n na lang ang gulat ni Maxpein nang makita ako. Siguradong nakita niyang kagagaling ko lang sa pag-iyak. Tinanong niya ang kapatid sa ibang lenggwahe. Bahagya pa itong itinulak na para bang kinukwestyon kung bakit ako umiyak.

Sinulyapan ni Maxwell ang mga kasama, maging si Keziah. Walang sali-salita ay nakuha ng mga ito ang tingin niya at magkakasabay na umalis. Maging ang ilan na sinasadyang bagalan ang paglalakad sa harapan namin ay sinulyapan niya para mawala sa aming paningin.

Saka sinagot ni Maxwell ang kapatid gamit ang ibang lenggwahe at muling nagbaba ng tingin sa 'kin. Hindi na siya nagsalita pero bakas pa rin sa kaniyang mukha ang paghingi ng tawad. Bilang sagot ay hinawakan ko ang kamay niya, agad siyang gumanti ng pisil at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Where's Maxrill?" tanong ni Maxpein. "I need to talk to him about his pets. Kaunti na lang ay iisipin ko nang forest ang ipinatatayo niya at hindi bahay! Where is your brother?"

Nilingon niya ang cafeteria bago muling tumingin sa 'kin. Bumuntong-hininga siya at saka tiningala ang kapatid nang walang mahitang sagot. Pero hindi na yata talaga aalisin ni Maxwell ang tingin sa akin.

"Go ahead and talk somewhere. Don't do these...things here," umiiling na bumuntong-hininga si Maxpein saka kami iniwan.

"I'm going to eat this," noon lang nagsalita si Maxwell, dinampot niya ang basket. "Eat with me."

Ngumiti ako. "Hindi ka na ba galit?"

Umiling siya. "Sorry kung nagalit ako."

Umiling din ako. "Naiintindihan ko naman,"nagbaba ako ng tingin.

Bahagya niyang hinila ang kamay ko nang sa gano'n ay mayakap niya uli ako gamit ang isang kamay. Hinalikan niya ako sa sentido at noon lang ako nakaramdam ng pagkailang at hiya. Napalingon ako sa mga dumaraan at nakakakita. Panay tuloy ang bulungan ng mga empleyado.

"Maraming nakatingin," hindi ko napigilang ipahayag ang hiya.

Ngumisi siya. "Because we look good together."

"Psh." Gano'n ang reaksyon ko pero sa loob-loob ay naghurumintado ako.

"Let's go upstairs." Inakay niya ako sa siko at binitiwan niya lang ako nang bumungad kami sa lobby. Mula sa area ko at sa cafetera ay dumaraan parati sa lobby para makarating sa ER at daan papunta sa iba pang areas.

Dinala niya ako sa kaniyang office at ini-lock niya ang pinto niyon. Pinanood ko siyang ilapag sa center table ang basket at hubarin ang white coat. Isinampay niya iyon saka pa lang lumapit sa 'kin. Naupo siya sa tabi ko, inihilig ang sarili sa sofa at tumitig sa 'kin.

Kinuha niya ang kamay ko at pabuntong-hiningang tumitig doon. "I heard you and Maxrill," malungkot niyang sabi. Hindi ko naman iyon inaasahan. "I'm sorry, I was only thinking about my own feelings. Hindi ko inisip na nasasaktan din kita habang nasasaktan ako."

"Believe me or not, naiintindihan ko," sinsero kong sinabi. "Masakit pero...kailangan kong intindihin. I made a mistake. Kahit ako ang nasa sitwasyon mo ay...gano'n din ang mararamdaman at gagawin ko."

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon