CHAPTER 85

8.2K 338 69
                                    

~Cath Pov~

"Wow! Ang sasarap naman ng mga pagkain dito sa korea" nakangiting sabi ko

"Nasan si Ate" biglang tanong ni Ethan samin

"Kasama ni Kuya Aixel" sagot ni Mitch

"Ah ganon ba" si Ethan at tumango naman si Mitch

Parang may something sa Ate ni Ethan at sa Kuya ni LA, feeling ko nagkakamabutihan na silang dalawa hahaha nakakakilig

(^_^)

"Cath tara don bilis" sabi nila Jin sakin at mabilis naman akong sumunod sa kanila

"Ethan and Cath, try this" sabi ni LA at may inabot samin na parang isaw na mataba.

"Ano to" takang tanong ko habang hawak yung parang isaw

"odeng ang tawag dyan, yan yung nilagay ko sa tteokbeokki at kimchi Stew na malapad" sagot ni LA at tumango tango naman ako at tinikman iyon

"Parang fishball lang yung lasa" sabi ko

"Kase fish cake yan, kaya hindi nalalayo ang lasa niyan sa fishball, pero mas masarap yan at mas mahal kesa sa fishball" nakangiting sabi ni Mitch

"So pwede to sa kahit anong luto ganon" si Ethan at tumango naman si LA

"Oo, pwedeng pwede" si Mitch

"Pwede syang may soup kapag taglamig dito or spicy odeng with tteokbeokki souce at pwede din syang ipangsahog sa tteokbeokki at kimchi Stew" paliwanag ni LA

"Wow ang galing, tapos ang sarap pa" nakangiting sabi ko

"At saka madaming klase at kulay ang odeng, at ipapatikim namin yun lahat sa inyo ngayon" sabi ni LA at na excite naman ako bigla

"Sige, gusto ko yan" sabi ko at saka kinain yung odeng

"May bukod sa soup ng odeng eh may sawsawan din yan" si Mitch at ibinigay sakin yung parang toyo na nilagyan ng paminta, at mas sumarap pa yun

"Mas masarap nga sya kapag isinawsaw" si Ethan habang ngumunguyang tumatango tango pa

"Yeahhh" si Mitch at saka kami nagtulot sa paglalakad.

Habang naglalakad kami ay nagtitingin din kami ng mga damit, hindi lang kase pagkain ang mga tinda dito sa myeongdong may mga damit and shorts din

Nung nagtingin kami sa isang Dress shop ay nakabili ako ng limang shirt at napakamura lang nito at ibibigay ko sa maids namin yung nabili ko

After naming mamasyal sa myeongdeong ay may time pa kami kaya naman nagpunta kaming mall at doon namili ng iba pang magugustuhan namin

"Dito sa mall na to namin nabili ni LA ang mga Couple Necklace" sabi ni Mitch

"Talaga!" Mabilis na sagot ko

"Naibigay mo ba kay kurt yung necklace LA" tanong ni Mitch kaya mabilis akong lumingon kay LA na malungkot na ngumiti samin at sabay na umiling

"Bakit" takang tanong ko

"Yung nagkita kase kami non nung pumasok sya" pabitin nyang sabi at saka ngumiti pero alam kong malungkot sya "cold na sya sakin non eh, saka wala pa akong alam na ginagago na pala ako non" kunwaring nakangising sabi nya

"Hayyyyy! Huwag na nga yan ang pag usapan natin" sabat ni Jin

"Change topic guyssss" si Ethan

"Magsaya na lang tayo" sabi ko at ganon nga ang ginawa namin

Marami kaming mabibilan dito at mga mamahalin talaga at magaganda at mga kilala ang damit dito sa mall, wala kang makikitang ibang damit na mga mura at talagang puro kamahalan lang

Masaya kaming namili at naglibot at nag ikot ikot dito sa myeongdeong!

~Aixel pov~

"What is this" tanong sakin ni Niel sakin, yung ate ni Ethan

"Its called Mandu" sabi ko sa kaniya

"Ano yun" takang tanong nya at nangiti naman ako

"Dumplings yan" nakangiting sabi ko

"Bakit ka tumatawa" tanong nya, at umiling naman ako

"Nothing" iiling iling na sabi ko at ngumuso naman sya

Sobrang saya ko ngayon, at sino naman ang hindi ang sasaya kung ganito kaganda ang kasama mo

Ang sarap nyang titigan, napaka cute nya lalo na kapag tumatawa at napaka ganda naman kapag nakangiti, at napaka sarap nyang titigan lalo na kapag natutuwa sya sa mga nakikita nya na maliliit na bagay

'Ang baba ng kaligaya, my type'

'Hayyy ano ba yang sinasabi mo Aixel'

Nung nasa Mall na kami ay namili lang sila ng mga damit pa, at ako syempre sumama muna kila Xander at Migz, si Ate Xandra at Niel naman ay nagtitingin tingin, habanh ang magbabarkada naman ay sama sama sila

"Insan! Halos ayaw mo nang humiwalay kay Niel ahh" nanunuksong sabi sakin ni Xander

"Kaya nga, nung una eh, balot na balot! Tapos ngayon eh halos ayaw ng humiwalay" si Migz at siniringan ko lang silang dalawa

"Eh sakin nya gustong sumama eh" pagmamalaki ko at ginatukan naman nila akong dalawa

"Bungol! Ikaw ang lumalapit" bulyaw sakin ni Xander

"Kaya no Choice si Niel kundi ang sumabay sayo, engot" si Migz

"Bungol! Baka sinabihan nya akong gwapo" pagmamalaki ko

'Kasinungalingan Aixel'

"Itanong man namin" si Migz at sasagot na sana ako ng biglang

"Niel" sigaw ni Xander sa gawi nila Niel at Ate Xandra "Niel... Nie....." hindi nya naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig nya pero its useless dahil narinig iyon ni Niel at lumingon sa gawi namin, at ang gagong Xander inaya sila sa gawi namin kaya ayun palapit na samin sila Niel at ate Xandra

"Bakit, Xander" nakangiting sabi ni Niel

'Damn that smile'

"Totoo bang gwapo si Aixel" si Migz kaya sinuntok ko sya sa tagiliran nya at abot ang kaba ko sa dibdib habang naghihintay ng sagot nya, hanggang sa

"Hindi" diretsong sagot ni Niel at nagtawanan naman ang dalawang bugok kong pinsan

"HAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ni Xander

"ASSUMIMG LEVEL 101" natatawang sabi ni Migz at siniringan ko lang sila at saka tumalikod at maglalakad na sana ako paalis sa gawi nila ng biglang

"Hindi! Kase sobrong Gwapo nya" biglang sabi ulit ni Niel na ikinatigil ko sa paglalakad at pagtigil ng tawa nung dalawa at ngayon ay nakanganga na

Dahan dahan akong lumingon at doon ko nakita si Niel habang ngiting ngiting nakatingin sakin ng diretso, kaya nginitian ko din sya

"W-woi! Huwag ka munang ngumiti dyan, joke lang daw yun" sabi ni Migz kaya natingin ako sa kaniya

"Kaya nga! Nag aassume ka na naman" si Xander pero ngumiwi lang ako

'May point sila Aixel'

Pero!

"Its true, sobrang gwapo nya" nakangiti ulit na sabi ni Niel habang nakatingin sakin ng diretso at sa mga mata pa

'Magkakajowa na ba ulit ako'

'In a relationship'

______________________________________
Continue Reading!

Pinkylian♥

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now