CHAPTER 72

7.9K 301 3
                                    

~Mitch Pov~

Pagdating ko sa school ay nandoon na ang boyfriend kong mag Sayad sa utak, pero kahit ganon yun ay mahal na mahal ko yun kaso

'May LQ kami'

Bahala sya nainis nya ako kahapon tapos di manlang ako inayang magdate o nilambing manlang alam naman nyang nagtatampo ako sa kaniya.

"Baby" bungad na bati nya sakin pero hindi ko sya pinansin at inirapan nalang

"LQ! Oh ow!" Si Cath, na hindi ko napansin na nandito na pala kasama si Ethan

"Goodmorning" bati ko sa dalawang lover na nandito, yung isa pa kaseng lovers ay wala pa

"Goodmorning din" si Cath

"Goodmorning" si Ethan at nginitian ko naman silang dalawa

"Goodmorning baby" si Jin na tumabi pa at niyakap ako, pero tumango lang ako at inalis ko ang pagkakayakap nya sakin na ikinagulat nya, hmmm bahala sya

"Goodmorning Classmatessss!!!" Nagulat kami sa sigaw ni Kurt na kakapasok lang kasama si LA at masayang masaya si spongebob, ano kayang ganap

"Ang mo Pre! Ngayon ahh" si Ethan na nakipag apir pa kay Kurt

"Naman" mas ngumiti si Kurt at saka inilapag ang bag nya sa upuan nya katabi ng kay LA at saka masayang humarap samin ang dalawa at nakipag chikahan

"Anong ganap" tanong ko at mas ngumuti sya lalo

"Mamaya tara, group date tayo, treat ko" masayang sabi nya aba himala

"Bakit" takang tanong ni Cath

"May mahalaga akong anunsyo sa inyo" masayang sabi nya ulit

"Naku! Sige game" si Ethan ulit

"Game" si Jin at ngumiwi naman ako

"Pass ako" sabi ko at nagulat naman sila

"Baket" takang tanong sakin si LA

"Wala ako sa mood" walang buhay na sagot ko

"Baby naman, minsan lang to" si Jin na inirapan ko

"LQ" si Ethan ang nagsalita kaya naman tiningnan ko sya ng masama

"Naku po! Tigilan nyo yan at mamaya ay magsasaya tayo! Lahat kasama walang pass pass ngayon" si Kurt at ngumiwi lang ako sa kanila at ngumiti lang sakin si LA

"San tayo" si Ethan

"Dyan lang, sa malapit na bar" si kurt at taka naman akong napatingin sa kaniya

'Seriously! Date sa bar!'

"Bakit sa bar" takang tanong ko

"Oo! May kainan naman din kase don, hindi lang basta inuman ang meron don" si kurt na inirapan pa ako, peste na re "mag VIP tayo" sabi nya ulit at saka tinaasan ako ng kilay, pero inirapan ko lang sya

Habang nag uusap sila at nakatahimik nalang ako, himala diba dahil hindi ako matararat ngayon

Nang nasa kalagitnaan na sila ng pag uusap at dumating naman kaagad si Ms. Stacy at laking gulat namin dahil kasabay din niya si Dustine at Zelestine

"Goodmorning Class" si Ms. Stacy

"Goodmorning Ms." Bati naming lahat

"Btw! Welcome back, Dustine and Zelestine" si Ms. Stacy at ngumiti sa kanila

"Bakit nandito yan" takang tanong ko kay LA

"Ewan ko" nagtataka din sya

"Dapat na sa kulungan yang lalaki na yan eh" si Kurt na umiiling iling pa

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now