CHAPTER 100

5.2K 248 42
                                    

~Mitch pov~

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, ayaw kong lumabas dahil may mga bisita si kuya, ayaw kong makigulo sa kanila at mas lalong ayaw kong makita yung isa sa mga bisita nya

Naglalaptop ako nung biglang pumasok si kuya sa kwarto ko at napairap ako dahil hindi man lang kumatok bago pumasok

"Anong ginagawa mo dine" tanong sakin ni kuya at tinaasan ko sya ng kilay

"Ano den ang ginagawa mo dine sa kwarto ko" mataray kong tanong kay kuya

"Pwede ba Mitch, tinatanong kita ng maayos kaya wag mo kong tarayan" galit na agad na sabi sakin ni kuya at napairap ulit ako

"Edi ito naglalaptop, at nagsesearch ng magandang design ng wedding invitation" pagsagot ko sa tanong ni kuya

"Saka na yan, medyo malayo pa naman ang kasal nyo ni Jin, at makakapaghintay yan, pero yung mga bisita natin sa baba hindi, 12 years silang wala at hindi natin nakausap kaya sila ang bigyan natin ng oras ngayon" mahabang sabi ni kuya at tinaasan ko lang sya ulit ng kilay

"Excited ako sa kasal namin ni Jin, kaya ngayon ko gustong maghanap ng mga design" mataray na sabi ko kay kuya

"Mitch pwede yan bukas, sige na Mitch ngayon nalang natin ulit nakasama sila Aixel at si LA" sabi sakin ni kuya At bigla akong nairita

"Pwede ba kuya wag mo kong pilitin na kausapin sila ngayon, busy ako kasal namin" medyo inis ko ng sabi kay kuya

"Hindi ka busy, nagbi-busy busy-han ka lang kase ang totoo ayaw mo lang harapin si LA" sabi ni kuya at umirap lang ako "tama ako diba" sabi nya ulit at nainis na ako dahil alam naman pala nya yung dahilan tapos pipilitin nya pa ako

"Eh ano naman ngayon kung tama ka" mataray kong sabi

"Mitch, sana naman intindihin mo si LA" sabi ni kuya at natawa ako "alam mo kung ano ang dahilan nya" sabi ni kuya at mas lalo akong natawa

"Kuya naiintindihan ko naman sya, pero alam mo kung ano ang hindi ko maintindihan" inis ng sabi ko kay kuya

"Ano" sagot nya

"Bakit ganon ka tagal, at bakit sinabi nyang sa korea kahit na sa US pala sya pupunta" inis na inis na sabi ko kay kuya

"Kahit sino sati Mitch walang may alam na don sila pupunta, at sure ako na may dahilan si LA don" sabi ni kuya at natatawang umiling ako

"Dahilan na naman, lintik na dahilan yan hindi na nawala" sabi ko

"Mitch" suway sakin ni kuya pero umiling lang ako

"Kuya, pwede naman nyang sabihin at hindi nya na kailangang itago satin yun" sabi ko

"Mitch intindihin mo nalang" sabi ni kuya

"Oo na, lagi ko naman syang iniintindi kahit noon pa" galit ng sabi ko

"Ewan ko sayo, ikakasal ka nat lahat hindi ka pa den sanay umintindi, pano pag meron kayong konting hindi pagkakaintindihan ni Jin, ano magagalit ka den, makikipaghiwlay ka, bumaba ka na don, mahiya ka halatang may galit ka dahil ikaw lang wala don" dirediretsong sabi ni kuya at saka galit na lumabas ng kwarto ko

Inis kong binalibag yung unan ko at saka lumabas ng kwarto ko at bumaba na para sa mga bisita nya, at saka ang isa pa na mas ikinagalit ko is yung pinagpalit nya si kurt sa kasama nyang lalaki ng hindi manlang pinapakinggan yung explain ni kurt na noon pa nya dapat ginawa, tapos nakita ko sila kagabi ng bago nyang boyfriend na hinalikan sya sa noo.

"So ano na ngayon ang isang Leighna Aileyah Ramirez" rinig kong masayang tanong ni Cath kay LA

"Im lisenced Attourney now" nakangiting sabi ni LA at napa wow ang mga kaibigan namin at napangiwi naman ako

"So Atty. Ramirez, how are you" nakangising tanong ni Jin

"Im fine and happy" sabi ni LA at napangiwi ulit ako, happy kase may iniwan ka

"So Atty. Perez, i want you to meet Atty. Ramirez" sabi ulit ni Jin, ay oo nga pala Attourney na den si kurt ngayon, at mukang nagulat si LA sa narinig

"Shut up" sabi ni kurt at nagtawanan naman sila

"So Atty. Ramirez, sino naman sya" tanong ni Ethan at tinutukoy nito yung bago nyang boyfriend

"Ahh, he is Prosecutor Frost, he is my friend in US" pagpapakilala ni LA sa kasama nya at natawa ako

"Friend" biglang sabi ko na ikinagulat nila

"Oh baby" sabi ni Jin at nginitian ko sya at umupo sa tabi nya

"Prosecutor Frost, this is Mitch my Fiance" sabi ni Jin at nagulat si LA

"And this is Cath my Wife" sabi ni Ethan na mas ikinagulat ni LA

"Engaged na kayo" tanong ni LA samin ni Jin at saka bumaling kila Cath at Ethan "mag asawa na kayo" sabi nya naman kila Ethan

"Oo, last year kami nakasal, sorry hindi ka na namin na invite hindi kase namin alam kung san ka hahanapin eh" paliwanag ni Ethan at ngumiti naman si LA

"Ok lng yun, congrats sa inyo" sabi ni LA sa kanila saka bumaling samin "kayo, kelan ka nagpropose kay Mitch" masayang sabi ni LA

"Last year lang den, after ng kasal nila Ethan" sagot ni Jin

"Siguro naman invited ako dyan" biro ni LA at nagtawanan sila

"Oo naman, si kurt ang best man at ikaw ang maid of honor" sabi ni Jin at parang nawala ang ngiti sa mga labi ni LA at parang naging pilit ang tawa nya

'Plastic'

Naging tahimik ang lahat after non kaya nag aya na lang si kuya na kumain at ganon naman ang ginawa namin

Habang kumakain kami ay masaya kami nila Jin Ethan at Cath at Kurt pero nung lumapit si LA ay nawala ang saya ko at aalis na sana ako pero bigla nya akong tinawag

"Mitch" tawag nya kaya tumigil ako sa paglakad "pwede ba tayong mag usap" sabi nya at nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa garden kung saan walang tao ni isa at alam kong nakasunod sya sakin

"Magsalita kana kase may gagawin pa ako" mataray kong sabo dahil pagdating namin sa garden ay tinitigan nya lang ako

"Im sorry" sabi nya at natawa lang ako

"Yan lang ba ang sasabhihin mo, inaksaya mo lang yung oras ko" sabi ko at aalis na sana ako pero nagsalita sya ulit

"Sorry kase hindi ko sinabi sayo kung san talaga ako pupunta, nag aalinlangan kase ako non na baka pag sinabi ko sa inyo kung san talaga ako pupunta ay sasabihin nyo kay kurt" sabi nya at natawa naman ako

"Bakit ganon ka na ba ka walang tiwala sakin non" mataray kong sabi at umiiling sya at umiiyak na sya

"Hindi sa ganon, natakot lang ako, kase alam kong gagawin lahat ni kurt makita lang ako, at natakot ako na baka sabihin nyo sa kanya kung saan ako nagpunta" sabi nya at mas natawa ako

"Tama ka, halos lahat ng lugar at probinsya sa korea napuntahan ni kurt mahanap ka lang, halos maubos yung savings nya mahagilap ka lang para makapagpaliwanag sayo na hindi mo pinakinggan non" sabi ko at napayuko sya at hindi makapaniwala sa sinabi ko

"Masyadong masakit yung ginawa nya sakin Mitch" sabi nya sakin at umiling lang ako

"Kung pinakinggan mo yung paliwanag nya non edi sana alam mo na ang katotohanan, sana kayo pa diba, sana isa kana den sa ikakasal, at sana hindi nag ubos ng pera si kurt at nagdusa sayo noon, kung alam mo lang montik ng mamatay si kurt dahil halos araw araw syang lasing at iyak ng iyak at dahil yun lahat sayo" sabi ko, hindi ko naman sya sinisisi pero parang ganon na nga

"Mitch" tanging naiusal nya

"Hindi naman sa kinakampihan ko sya LA, pero sa tingin ko si Kurt ang mas nasaktan sa inyo" sabi ko at tumikhim bago ulit nagsalita "sya simula nung umalis ka ikaw lang ang minahal nya, pero ikaw nung umalis ka, hindi kana nga nagpaalam pero nagawa mo pa syang ipagpalit sa iba and worst isinama mo pa ngayon" galit na sabi ko at pagkasabi ko na yun at nilayasan ko sya at pumanik sa kwarto ko at nagsound nalang at natulog

'Sana hindi kana muna bumalik, mukang bitin ka pa sa 12 years eh'



______________________________________
Continue Reading!


Pinkylian♥

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt