Chapter 67

9K 343 22
                                    


______________________________________

A/N:

Hi guysssss sana magustuhan nyo ang chapter na to, maraming salamat guysss dahil sa patuloy nyong paghihintay ng aking UD kahit na matagal, thank you very much lab yahhhhh readersssssssss

-pinkylian-♥

______________________________________
~Mitch pov~

Nasisiyahan ako sa plano ni LA, balak nyang pagselosin si Kurt, at gagamitin nya si Bright, ang kaso nasisiyahan nga ako pero nalulungkot din.

Kase gagamit sya ng ibang tao para lang mapagselos at kapag ginawa nya yun, ay wala na rin syang pinag iba sa mga gumamit sa kaniya

Tunay na nag bago na nga si LA, kase gagamit sya ng tao mapagselos lang si kurt, ang kilala kong LA ay hindi kayang manggamit ng ibang tao para lang makapanakit.

"Mmm LA! Hindi ba parang mali ang naiisip mo" tanong ko kay LA, saka nandito pala kami ngayon sa backstage at inaayusan sya dahil ngayong yung pageant at ang nabunot pala namin ay korea, kaya naka hanbok si LA ngayon, bagay naa bagay talaga sa kaniya yun

"Panong magiging mali" takang natong nya, talagang wala na sya sa isip nya tsk

"Gagamit ka ng ibang tao para lang pagselosin si Kurt, tapos pag nalaman yun ni Bright paniguradong masasaktan sya at kapag nangyari yun, wala ka na ding pinag iba sa mga nanggamit sayo" sabi ko at napaisip sya bigla, saka mali naman talaga yun, kaya hanggat hindi pa nagsisimula ang plano nya ginigising ko na sya sa katotohan

"Sabagay tama ka naman dyan, saka nililigawan na ako ni Bright, yung una ayaw ko pero makulit eh kaya pumayag ako, pero sinabi ko sa kaniyang huwag syang sasagutin ko sya dahil kakagaling ko palang ng break up, at pumayag naman sya" sabi nya na ikinagulat ko, gaga na talaga tong pinsan ko mas gaga na sakin ngayon, king inang kurt kase nayun

"Bat ka pumayag" bulyaw ko sa kaniya

"Abay nangungulit nga, saka sinabi ko naman sa kaniya na huwag syang aasang sasagutin ko sya kase hindi pa ako ulit handang masaktan" bulyaw nya din sakin at napahilamos ako sa muka

"Sana kahit nangungulit hindi ka pumayag" sabi ko ulit pero nagkibit balikat lang sya

"LA, tara na kayo na susunod" sabi ni Ms. Stacy

"Si Bright po" tanong ni LA

"Nandoon na sa pila" sabi ni Ms. Stacy at tumango naman si LA ta mabilis na tinabihan si Bright sa pila

"So beautiful" Rinig kong sabi ni Bright kay LA at ngumiti naman ang gaga kong pinsan

"So handsome" nakangiting sabi ni LA

"Ok Next! the more Oppa in the world lets arround of applouse South Korea" sabi nung MC at sabay na rumampa si Bright at LA sa stage

Halos lahat ay nagsisigawan nung bumaba ako sa Stage at para mapanood sila LA at may nakita pa akong banners na nakasulat ay 'Go LA and Bright South Korea' at Kitang kita mo talaga ang saya sa mga ngiti ni La.

Yan ganyan nga LA ipakita mo kung gaano ka kasaya at ipakita mo na kaya mo na wala sya sa buhay mo, pero sana huwag kang gumamit ng ibang tao para lang makaganti ka

"Leighna Aileyah Ramirez, 16 Grade 10-A, South Korea" malakas at nakangiting pagpapakilala ni LA sa lahat, masaya ako kase nagkaroon sya ng confident sa sarili, noon kase naging mahiyain yan.

Nagtilian naman ang mga classmate ko nung matapos magpakilala si LA at mas nagtilian nung si Bright na

"Bright Ivan Locson, 16 Grade 10-A, South Korea" nakangiti ding pagpapakilala ni Bright at nagtilian ulit ang mga classmate ko

At nung huling pose na nila ay hindi ko kinaya dahil kinilig ako sa kanila at halos lahat ng nanonood at nagtilian sa huling ginawa nilang pose

Yung huling pose kase nil ay yung mga gaya ng mga nasa kdrama yung magkaharap ang babae at lalaki tapos si lalaki hahapitin sa bewang si babae para malapit sa kaniya tapos hahaplusin ang mula ni girl at ilalapit ni boy ang muka nya sa muka ni girl ng sobrang lapit

At sila lang ang gumawa ng ganong pose kaya lahat dito ay nagtitilian at yung iba ay nagtatatalon sa kilig at isa na ako don, at napangiti naman ako nung makita kong nagwalk out si Kurt

'Jelly jelly'

Mas maganda kase kapag natural ang galaw nila LA at Bright kapag nakikita sila ni Kurt, yung hindi pinagpaplanuhan at walang ginagamit na ibang tao.

Nung natapos na ang lahat ay agad namang binilang ng mga nag staff ng school ang mga votes at kung sino ang may pinaka madaming votes ay sya ang tatanghaling Campus Queen and King 2020

~kurt pov~

"Damn it, Damn it" mura ko, dahil naiinis ako sa huling pose na ginawa nila LA

Oo nagseselos ako, gusto kong sapakin kanina yung Bright na yun, kaso naalala ko ano pa bang karapatan ko eh ako nga pala ang nanggago

Hindi ko kayang makita si LA na masaya kasama ng ibang lalaki, gusto ko ako lang pero wala na kase ako din ang gumawa ng ikakasira namin

Nakita ko yung mga ngiti ni LA kanina, sobrang saya nya parang walang nangyari at parang hindi nasaktan

Yung last time na nagkita kami sa Cafe yung kasama ko si Zelestine, yung sinabi nyang congrats samin ni Zelestine fvck ayaw kong marinig sa kaniya yun and wort sinabi nyang Rest in peace

Natawa ako sa mga iniisip ko ngayon dahil ang gago ko ang lakas ng loob kong magselos ay umiyak ngayon dito eh kasalanan ko naman

Saka nandito ako ngayon sa mga upuan na nakalagay sa gilid gild at tanaw na tanaw ko dito ang mga kalahok at rinig na rinig ko din ang sinasabi ng MC

"Ok! I got the result of the final three" sabi nung Mc at ngumiti naman ito sa mga manonood at saka nagsalitang muli "if i called the country please step forward" sabi ulit "please step forward USA" unang bansang sabi ng MC "next Philippines" sabi ulit nung MC "and last please step forward South Korea" sabi nung Mc at malakas na nagtilian ang mga nanonood don

Nung matawag ang final three ay rumampa lang ulit ito, nanood lang ako don hanggang sa iaannounce na ang mananalo

"Im back students, so i have the Final Result, at ang unang tatawagin ko ay ang second Runner up at ang susunod kong tatawaging bansa ay ang ating Tbe Campus Queen and king 2020 at ang hindi ko matatawag ay automatically the First Runner up" sabi nung mc at nagtilian naman ang mga estudyante

"Ok our second is" sabi nung Mc at kaniya kaniyang sigaw ang nga manononood

'USA'
'Philippines'
'Korea'

"our second runner up is USA" sabi ulit nung MC at nagpalakpakan naman angmga estudyante "so South Korea and Philippines, isa lang sa inyo ang magiging queen at king, ang unang bansa na aking tatawagin ay ang ating magiging The Campus Queen and King 2020" sabi ulit nung MC at nagtitilian na naman ang mga Estudyante, nakatitig ako sa kamay ni LA at Bright na magkahawak, at nalungkot ako sa naiisip ko na dapat ako yun, dapat ako yung nandoon sa stage "Our Campus Queen and King is!" Pangbibitin nung Mc at kaniya kaniya namang sigaw ulit ang mga manonood

'Korea'
'Philippines'
'Korea, korea, korea'
'Philippines, philippines'

"Our Queen and king is South Korea" malakas na sabi nung MC at malakas na nagtilian at nagtalunan ang mga clasamates ko at dahil sa nakita ko at hinihiling ko na mismo ngayon na mamatay na sana ako

Yinakap bigla ni Bright si LA nung malaman nilang sila ang nanalo at mas naluha ako nung yinakap din pabalik ni LA si Bright at tatalikod na sana ako para hindi na makita yun pero huli na ako para don kase nakita kong binuhat ni Bright si LA, kaya ngayon wala ng tigil ang luha ko

'I desserve this fvcking pain'

______________________________________
A/N:
So guys ayan muna para sa book 2, masakit kase ang ulo ko kaya limang chapter lang ang nakayanan ko today, kaya tiis tiis muna sa limang Chapter at sa susunod at dadamihan ko na

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now