CHAPTER 69

8.2K 351 25
                                    

At last week na ng pasok namin and next week na ang graduation namin, im excited kase mag grade 11 na kami nila LA,

And last week na nga ng pasukan at mukang wala ng pag asang magkaayos sila LA at kurt, si Bright naman ay tumigil na sa panliligaw kay LA sa hindi naming malaman na dahilan

Bigla na lang syang umiwas kay LA at hindi ito namamansin, napaka wierd ng lalaki na yun lately, abay yung huling pagsasama namin nun at sinabihan pa nga nya si LA na papakasalan nya ito ay bibigyan ng nga magaganda at gwapong anak, tapos bigla nalang hindi namansin kinabukasan at hindi nalang nagparamdam bigla, Ghosting pala ang gusto

Pero hindi naman umasa si LA, kase una pa lang sinabihan na nya itong huwag munang umasang sasagutin sya nito dahil kakagaling lang nyang break up at mukang sanay na si LA ba iniiwan nalang sya basta basta

Naaawa na ako sa pinsan ko, hindi nya deserve to oh, mas deserve nya ang mahalin sya ng totoo kase ang bait at maalaga sya

"Woi" sigaw ni Cath sakin

"Bakit ba" tanong ko sa kaniya

"Abay last week of class na abay huwag ka ng tumunganga dyan, may pinapagawa si Ms. Stacey" sabi ni Cath kaya agad agad kong kinuha ang Notebook ko at nagsulat ng teka ano nga ba ang pinapagawa nun

"Ano ba gagawin" tanong ko

"Gumawa ng letter sa taong mamimiss mo kapag gumadruate na tayo" sabi ni Cath at agad naman akong napatango at pinalitan ko ng papel ang notebook na kinuha ko

Sino kaya ang susulatan ko, kase kung ang mga kaibigan ko naman ay hindi naman kami nyan magkakahiwahiwalay panigurado

At napangiti ako ng bongga nang maisip ko na kung sino ang pwedeng mapagbigyan kaya naman sinimulan ko ng sulatan si

'Zelestine'

Yes si Zelestine at hindi ko sya mamimiss kaya ko sya sinulatan no, at kaya ko lang sya sinulatan para mapagsabihin ng kung ano ano at hindi ko lalagyan ng pangalan yung akin

Ang gagawin ko ay dalawa ang isa ay si Ms. Stacy at ang isa ay kay Zelestine para hindi halata na ako ang nagsulat nun at medyo babaguhin ko ang sulat ko sa ibibigay kong Letter kay Zelestine.

'Im so bright'

'DEAR: ZELESTINE♥

Ang ganda mo sobra, ang kinis mo, ang puti mo, ang takangkad mo, perfect kana sana kaso!

Ang landi at ang kati mo, at yung ganda ng muka mo ay sya namang kinapangit ng ugali at budhi mo and last uso mag Rexona umaamoy yung pasabog mo dyan eh! (^_^)

Stay safe and you may now res in peace!

-magpapabango sayo!

Yan yung sulat ko kay Zelestine, nakakatouch diba, ako kase na tuwa ng sobra, at ibibigay ko talaga sa kaniya yun and syempre yung patago at hindi nya malalaman kung sino ang nagbigay sa kaniya

Nung natapos ko yung kay Zelestine ay yung kay Ma'am Stacey naman yung ginawa ko, Nung natapos yung kay ma'am stacy ay agad ko iyong binigay.

~Kurt pov~

Buti naman at tumigil na yung Bright na yun sa panliligaw kay LA ko, dahil kung hindi pa sya tumigil ay tototohanin ko talaga ang banta ko sa kaniya

Yes! Ako ang dahilan kung bakit tinigilan na ni Bright si LA, kinausap ko sya nung una ng maayos eh masyadong mapilit na mahal na daw nya si LA, kaya ayun nag init ang dugo ko at sinakal ko at pinagbantaan.

~Flashback~

Nandito ako ngayon sa likod ng school, alam ko kaseng dito pumupunta si Bright bago umuwi, at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito

'Nagsasarili siguro'

Napailing nalang ako sa inisip ko at nung makita ko na ang peste nyang muka ay agad ko syang tiningnan sa mata ng masama

"Anong ginagawa mo dito" tanong nya sakin at tinaasan ko lang sya ng kilay

"Aming school to kaya kahit saan ako pumunta ay wala kang pake" pagmamalaki ko sa kaniya

"Oh anong kailangan mo, alam kong ako ang sadya mo dito" sabi nya at natawa naman ako

"Tigilan mo si LA" malamig na sabi ko

"At bakit ko naman gagawin yun" tanong nya

"Kase akin sya, akin lang sya" galit na sabi ko na ikinatawa lang nya

"Walang sayo! Kase wala na kayo" sabi nito kaya sa inis ay nilapitan ko sya

"Sabi ko lubayan mo si LA" galit na sabi ko

"Pano kung hindi ko tigilan anong gagawin mo" nang iinis nyang sabi

At dahil sa inis na din ay agad ko syang sinakal at saka sya binulungan sa tenga at humihigpit din ang pagkakasakal ko sa kaniya habang bumubulong ako

"Simple lang, ipapa expel kita sa school namin, at kapag naexpel ka ay hindi kana pag aaralin ng mga magulang mo dahil bagsak na ang negosyo nyo diba, and kapag hindi mo nga tinigilan pa si LA kaya kong ipabagsak lalo sa mga tauhan ko ang bulok nyong negosyo, naintindihan mo" nanggigigil na sabi ko sa kaniya "bukas kapag nakita kong lumapit ka pa kay LA o sa kahit na anong Araw ay hindi ako magdadalawang isip na ioa expel ka at pabagsakin ang negosyo nyo" sabi ko ulit at mas diniinan ko ang pagsakal ko sa kaniya at bago ko sya bitawan ay may sinabi pa ako "dont dare me Bright! You know Im fvcking Bad boy for fvcking sake" sabi ko at saka ko sya binitiwan at umalis sa lugar na yun at nakangiti akong tinahak ang parking lot

Diba parang baliw lang pero ok na yun atleast natakot ko si Bright

'End of flashback'

Totoong may tauhan na din ako, at itutuloy ko ang balak ko na paglaban kay Zelestine, hindi na ako papayag na underin nya ulit ako

Kahapon ay nakailang tawag sya pero hindi ko sinagot at nung nainis siguro ay tinext na ako ng

'Ipapapatay ko na si LA, kapag hindi mo pa sinagot ang tawag ko'

Yan yung text nya pero wala na din akong pake, kase meron akong tatlong tauhan na bantayan si LA, kahit saan ito pumunta

Sana pala nung una palang naisip ko na ito, nang hindi kami nagkaganito ni LA at sana masaya pa kami hanggang ngayon at sana

'Kami pa din hanggang ngayon'

______________________________________
A/N:

Hi guys! Magpopromote lang ulit ako hahaha, please support my nee book its "THE PANDEMIC VIRUS" thank you!

Nandiyan po sa baba ang book cover ng new book ko, pakitingnan na lang po and may new Announcement po ako sa page ko!(^_^)

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now