CHAPTER 64

11K 426 52
                                    

~Mitch pov~

Nandito kami ngayon nila Cath, Jin at Ethan sa bahay nil ate Xandra, at alam na naming nandito si LA sa bahay nila

At syempre nalaman naming nandito si LA dahil meron kaming pinsan na mas maingay pa sakin!

"Anong ginagawa mo dito Mitch" gulat na tanong ni Ate sakin

"Ahh! Pupuntahan si LA" sabi ko at mas nagulat sya "ahh! Ate mga kaibigan ko pala si Cath, si Ethan tapos Ito si Jin boyfriend ko" nakangiting sabi ko

"Hi po" si Cath

"Hello" bati ni Ate

"Goodafternoon po" si Ethan

"Goodafternoon" sabi ulit ni Ate

"Nice to meet you po" si Jin

"Nice to meet you too" sabi na naman ni Ate

"Nasan si LA, Ate Xandra" tanong ko at agad naman syang nalingon sakin

"Pano mong nalaman na nandito si LA" tanong ulit sakin ni Ate

"Syempre sa daldal ba naman ni kuya Xander eh hindi ko nga malaman" natatawang sabi ko at napailing naman si Ate

"Xanderrrrr" malakas na sigaw ni Ate kaya napatakip kami ng tenga nila Cath

"Bakit Ate" sigaw ni kuya Xander na nasa hagdan na

"Bumaba ka dito peste ka" sabi ni Ate at dali dali namang sumunod si kuya Xander

"Arayyyyy" malakas na daing ni kuya Xander ng bigla syang pingutin ni Ate sa tenga

"Bakit mo sinabi kay Mitch na nandito si LA" galit na tanong ni Ate Xandra kay kuya Xander! So wala talaga syang balak ipaalam samin kung nasan si LA

"Bakit ate, ano naman masama don" tanong ni kuya Xander kay Ate habang hawak yung tenga nya

"Basta wag mo ng alamin" sigaw ni Ate sa kaniya

"Bakit Ate, anong nangyari kay LA, at kailangan nyang magta....." hindi ko naituloy ang sasabihin ko, dahil biglang bumukas ng malakas ang pinto nila Ate at doon namin nakita si LA na Umiiyak at biglang niyakap si Ate Xandra

'Anong nangyayari sayo'

"Ate Xandra" umiiyak nyang sabi habang nakayakap kay Ate

"Why are you crying" nag aalalang tanong ni Ate at gulat namang tumingin sakin si LA

"Ano ginagawa nyo dito at pano nyo nalaman na nandito ako" umiiyak na tanong samin ni LA, pero hindi ko sya sinagot at bigla ko nalang syang niyakap, at mas humagulgol pa sya nung yumakap din si Cath sa kaniya

"Anong nangyari sayo, bat ka nagtago sakin, pwede mo naman akong pagdabihan ahh at saka makikinig ako sayo" sabi ko at hindi sya sumagot at niyakap nalang din nya ako pabalik

"Ang sakit! Ang sakit ng ginawa nya sakin" sabi nya at napakunot naman ang noo ko sa sinasabi nya

"Ano bang sinasabi mo" takang tanong ko

"Yung nag aayos tayo nung gym para sa 11th anniversarry" unang sabi nya at tumango naman ako at saka bigla nga syang nawala non eh tapos hindi na namin sya nakita ulit nung mga sumunod na araw

"Nawala ka bigla non" sabi ko at hindi nya ako sinagot at umupo sya sa sofa at ganon kaming lahat naupo din sa sofa at tinabihan ko sya

"Oo nawala ako nun bigla kase may nakita ako sa stock room" pang bibitin nya samin

"Ano" tanong ko

"Ano" sabi nya ulit at mas umiyak sya kaya hinimas ko ang likod nya "i saw kurt and Zelestine kissing each other and they both half naked in School Stock Room" sabi nya at mas umiyak sya kaya niyakap ko sya at ngayon at nanginginig na ako sa galit

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now