CHAPTER 90

8.9K 311 117
                                    

~LA pov~

After nung nangyari kahapon samin ni kurt sa Mall, ay hindi na ako makapag isip ng tama, kaya naman napagdesisyunan ko ng sa US ko na ipagpatuloy ang pag aaral ko para makalimutan ko na si Kurt

At alam ko na nagtataka kayo kung bakit sa US ako mag aaral at hindi sa korea, dahil alam kong kaya akong puntahan ni kurt don at madali nya akong mahahanap dahil alam ko ding tutulungan sya ng mga kaibigan namin

Pero kapag sinabi ko na sa kanila ang desisyon ko ay sasabihin kong sa korea ako mag aaral pero ang totoo ay sa US, saka nandoon na sila Mom and dad at si lolo sa US ngayon, nung umalis kase kami sa korea non nung nag bakasyon kami ay umalis na din don si lolo at pumuntang US.

Mamaya kapag kumain kami ng lunch ni kuya ay saka ko sasabihin sa kaniya ang desisyon ko at mamaya ko na din tatawagan sila mom para sabihing susunod ako sa kanila sa US sa mga susunod na araw.

Tapos bukas, balak kong mapadespedida dahil sa isang araw na ako aalis at iimbitahin ko ang mga kaibigan ko maliban lang kay Kurt, ayaw ko muna syang makaharap sa ngayon.

Nung mag bandang alas onse na ay tinawag na ako ni kuya para kumain ng lunch at agad naman akong bumaba para masabi ko na din sa kaniya ang desisyon kong mag aral sa US.

"Kain na LA, favorite mo to diba" sabi ni kuya na itinuro pa ang chicken curry at nakangiti naman akong tumango

Yung inorder ako ni kurt nung chicken curry non sa restaurant ay gusto ko yun pero pinalabas kong hindi ko na favorite ang chicken curry para lang maiwasan ang mga pasweet nya.

"Kuya may sasabihin pala ako" sabi ko agad kay kuya nung nakakuha ako ng pagkain ko

"Ano yun" sabi ni kuya sabay subo ng kutsara namay pagkain

"Balak kong sa US na ipagpatuloy ang pag aaral ko" sabi ko kay kuya na ikinagulat nya

"Bakit!" Malakas na tanong sakin ni kuya at napangiwi naman ako

"Para makaiwas na kay kurt" pagsabi ko ng totoong dahilan ko

"Kung don ka mag aaral sino ang makakasama mo don" tanong na naman ni kuya

"Sila mom" sabi ko

"Engot ka ba, eh hindi naman nag stay sila mom don eh" sabi na naman ni kuya

"Edi ako nalang, kaya ko namang mag isa eh" confident na sabi ko

"Hindi pwede" sabi ni kuya at napanguso naman ako

"Kuya please" pagmamakaawa ko

"Pag sinabi  kong hindi, hinde!" Sabi sakin ni kuya at medyo napalakas ang boses at mas nagpaawa pa ako

"Kuya please, help me" kunwaring naiiyak ng sabi ko

"Fine" parang naawang sabi sakin ni kuya

"Really" mabilis na sabi ko at inirapan nya ako

"Oo" sabi ni kuya pero "but in one condition" dugtong nya at napanguso ako

"Ano yun" walang ganang sabi ko

"Sasama ako sayo" sabi nya na ikinagulat ko

"Don ka sin mag aaral" tanong ko at tumango sya na mas ikinagulat ko

"Oo, tingin mo hahayaan kitang mag isa don" sabi ni kuya at napangiti naman ako, at tumayo ako at lumapit sa kaniya at yinakap ko sya

"Thank you kuya, your the best kuya in the whole world" sabi ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya

"Nambola ka pa" sabi ni kuya at nginitian ko lang sya at bumalik sa upuan ko at nagpatuloy sa pagkain

"Eh kuya totoo naman yun" sabi ko pa

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now