CHAPTER 71

8.1K 325 8
                                    

~LA pov~

Dumaan ang ilang buwan nung simulang maghiwalay kami ni Kurt at nung nagsimula yun ay doon din ako nagsimulang magpanggap na masaya at kaya ko kahit na ang totoo ay hindi

Sa school ay pinapakita ko sa lahat na nakapag move on na ako ng ganon kabilis, na masaya na ako, na ok na ok na ako, na wala na yung sakit pero ang totoo ay hindi pa ako nakakamove on dahil hindi yun ganon kadali lalo na at mahal na mahal ko na si Kurt kahit na dalawang buwan lang kaming inabot at kapag sa bahay ay lagi akong tulala at hindi ako at higit sa lahat nandito pa din yung sakit na ipinaramdam nya sakin

Minsan kase kailangan nating magpanggap na masaya para lang maitago natin yung lungkot at sakit na nararamdaman namin

Ang alam nilang lahat ay ok na ako pero ang totoo hindi, minsan napapaisip ako kung bakit ako lagi yung ginagamit, at kung deserve ko ba talaga yun, or yun lang talaga ang role ko sa kwento ng buhay ko ang gamitin ng mga lalaking hindi maka move on sa mga ex nila.

Yung araw na hinila ako ni kurt at dinala ako sa likod ng gym at yung halik nya at yung mga katagang sinabo nya sakin nun, gusto ko syang bakilan nun at gusto kong paniwalaan yung mga huling sinabi nya non

Kaso ayaw ko na ulit na magamit eh, baka kase isa yun sa mga plano ni Zelestine na sinunod na naman nya kase nga nagpapaunder sya.

Kahit masakit at kahit ayaw ko pa talagang palayain si kurt pero kailangan na eh, kase kung hindi ko gagawin yun masasaktan lang ako ng paulit ulit, kase alam naman nating si Zelestine ang Mahal nya kahit na sinabi nya non na ako ang mahal nya

Diba sabi nga ni kurt nun ginamit nya lang ako para mapagselos nya si Zelestine at hindi na nya kayang saktan pa si Zelestine.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at umiiyak, hindi pa ako bumaba simula kahapon, and Sunday na ngayon at bukas na pala ang graduation namin.

Ang bilis ng panahon no! Parang kailan lang nagbreak kami ni Kurt tapos ngayon Graduation na namin, at ako ang Valedictorian at si Mitch ang Solitatorian.

"LA" napatingin ako sa nakasaradong pinto ng kwarto ko nung may biglang tumawag sa pangalan ko

"Kuya" sagot ko

"Bumaba ka na dyan" sabi nito at bago ako nagsalita ay pinunasan ko muna ang luha ko, alam naman na nila kuya ang nangyari pero sila mom and dad ay hindi pa at wala pa akong balak na sabihin.

"Kuya please" naiiyak na namang sabi ko

"But nandito na si Lolo at hinahanap ka" sabi nito na ikinagulat ko, at naalala ko ang sinabi ni lolo na uuwi sya dito sa pinas bago kami gumadruate ni Mitch

"Sige susunod ako" sabi ko at saka ako nagpunta sa Cr ng kwarto ko at naghilamos, medyo mugto ang mata ko at sana naman hindi nila mahalata yun

Nung matapos kong ayusin ang sarili ko at saka bumababa at nung nakita ko na sila ay pinilit kong ngumiti at mabilis na niyakap si Lolo

"Hi Lolo" nakangiting sabi ko

"Hi LA, and congrats to you and to Mitch" sabi ni lolo at ngumiti naman kami ni Mitch

"Thank you lolo" sabay naming sabi ni Mitch

"What happend to your eyes" tanong sakin ni Lolo at patay ano ang gagawin kong palusot

"Its nothing lolo, dont mind this im ok" nakangiting sabi ko kay lolo

"Oo nga anak, umiyak ka ba" tanong sakin ni Dad

"Yes dad" pag amin ko at nagulat naman sila Mitch at kuya Migz at kuya Aixel sa sinabi ko

"Why" tanong ni Mom

"Nanood kase ako ng nakakaiyak na kdrama" sabi ko at tumango tango naman sila

"You sure, your ok" tanong sakin ni Lolo

"Yes i am" sabi ko kay lolo

"Ok, lets eat" sabi ni mom

"Mitch, Migz umupo na kayo" sabi ni Dad

"Yes po tito" sabi ni kuya Migz

"Nasan na sila Ate Mitchelle" tanong ni mommy

"Nasa Flight na po nila pauwi dito" nakangiting sabi ni Mitch

"Khent" tawag ni lolo kay Dad

"Yes dad" sagot ni dad kay lolo

"Call your Alexandra Eonni, and tell to her to come here right now" utos na sabi ni lolo kay Dad kaya agad namang tinawagan ni dad si tita Alexandra

"Done dad, she will be here after a minutes" sabi ni dad kay lolo nung natapos nyang makausap si tita Alexandra

Habang hinihintay namin sila tita Alexandra ay kumain na kami, at madaming Putahe ang nakahain dito at meron yung favorite kong Chicken Curry kaso wala talaga akong ganang kumain.

Pero kumain pa din ako ng kahit kaonti at nung natapos ay saktong dating naman nila tita Alexandra kasama sila kuya Xander ay Ate Xandra.

"Musta" bulong sakin ni Ate Xandra na ikinagulat ko at nginitian ko lang sya

"Ok lang" medyo mahinang sabi ko

"Happy dapat, Valedictorian ih" nakangiting sabi ni Ate Xandra sakin at natawa din ako

"Manonood ka ba bukas" biro ko sa kaniya

"Abay oo naman, saka para naman makasapak ako ng isa sa kurt na yun" mahinang sabi nya at natawa ako

"Abay move on move on ate Xandra ako nga naka move on na sa ginawa nayun eh" nakatawang sabi ko kay Ate Xandra

"Ang tanong naka move on ka na nga ba" nakataas na kilay na tanong nya sakin na ikinayuko ko "joke lang!" Bawi nito sa sinabi nya at ngumiti lang ako sa kaniya at nung umalis na sya sa harap ko ay saka ako bumalik sa kwarto ko at hindi na bumaba pa

Hanggang sa makauwi sila ay hindi na ako bumaba, dahil mas gusto ko ang mapag isa ngayon, gusto ko ulit umiyak kaso naisip ko hindi ito ang tamang oras, kase graduation namin bukas at Valedictorian ako kaya kailangan kasing ganda ng speech ko ang muka ko.

Bukas makikita ko na naman yung dalawang taong sumira na naman ng buhay ko, pero kailangan kase bukas na magaganap ang pinaka importante na iniintay ko, ang graduation namin, at hindi ko hahayaan na masira ang mood ko bukas ng dahil lang sa kanila

'Laban lang LA'

______________________________________
Continue Reading!!

Pinkylian♥

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now