CHAPTER 68

8.4K 464 12
                                    

'Shout out kay MayeshA1311, thank you sa support ily♥'

'Shout out din kay Arabella Galolo, thank you din sa support ily♥'

~Mitch pov~

Dumaan ang araw, linggo, buwan ay hindi na nag uusap sila Kurt at LA, hindi sila nagpapansinan, pero alam kong masakit pa din para kay LA ang nangyari alam kong tinatago nya lang yun, pero ramdam kong sobra pa rin syang nasasaktan.

Lumipas ang isang buwan at talagang pinanindigan ni kurt si Zelestine, brinodcast nga ni Zelestine sa buong room na sila na ni Kurt, pero mukang wala lang yun kay LA, pero pagkauwi naman, nakita ko syang umiiyak at nagtatakbo sa kwarto nya

Nandito ako ngayon sa room kasama ang mga kaibigan ko and today is araw ng mga puso, yes today is February 14!

"Baby, Happy Valentines day i love you" biglang sabi ni Jinna ikinagulat at ikinangiti ko dahil may dala syang flowers at chocolates

"Happy Valentines day din baby, i love you too" sabi ko at niyakap ko sya

"Babe" tawag ni Ethan kay Cath, nakita ko si LA nakangiti lang sya habang pinagmamasdan kami

"Yes babe" kinikilig na sabi ni Cath

"For you" sabi ni Ethan at inabot ang flowers at chocolate din at agad na tinanggap yun ni Cath

"Thank you babe" sabi ni Cath at yinakap din si Ethan

"And for you" sabay na sabi ni Ethan at Jin kay LA na ikinagulat nito, at nakangiti kami ni Cath habang nakatingin kay LA, nakita ko din si Kurt na nakatingin samin

"Sakin" takang tanong ni LA, dahil inaabutan ni Ethan si LA ng Flowers at si Jin naman ay ang Chocolates

"Oo" nakangiting sabi ni Jin at nakangiti namang tinanggap iyon ni LA at yinakap kaming lahat

"Thank you" sabi nya at magsasalita na sana ako ng biglang

"Ikaw po ba si Ate LA" tanong ng isang napaka cute na bata, at nagulat naman kami

"Oo ako nga" nakangiting sabi ni LA sa bata at pinisil pa nito ang pisnge

"Here po" sabi nung bata at inabot ang isang red rose

"Thank you" nakangiting sabi ni LA

"Sama po kayo sakin dun oh" sabi nung bata at hinila si LA, kaya nagsunydan kami nila Cath at ganon din ang mga classmates namin

Nung nasa likod kami ng gym ay ang daming estudyante at kapag dumadaan si LA at inaabutan ito ng red rose or pink rose

Nakasunod lang kami kay LA, at nung makarating kami sa pinaka loob ng gym, napamura ako sa ganda

Sa stage ay may pagmumuka ni LA at may naka lagay na Happy Valentines day!, sa mismong gym ay may mga petals ng rose na nakalaglag don at nakahugis puso at may upuan sa gitna non at may pa lights pa

Nagulat ako ng biglang tumunog ang sway na kanta at isa isang nagsayaw ang mga couples dun ng sweet dance at nung huli na ay nagulat ako kung sino ang may pakana nito

'Bright'

Nakita ko si Bright na may Dalang red rose bouquet at maraming chocolates at isang napakalaking panda tedy bear

Napatayo si LA ng makita nya si Bright at nung magkalapit na sila ay agad namang ibinigay ni Bright kay LA ang mga regalo nya at sobrang lakas ng tilian dito dahil sa kanila

"For you, beautiful lady" sabi ni Bright at agad namang tinggap ni LA ang mga regalo nitong inabot sa kaniya

"Thank you handsome" sabi ni LA at nagtilian naman ang mga estudyante at kitang kita ko si kurt na nagtatagis ang bagang ay nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay

'Manigad ka dyan sa selos'

Nung makuha iyon ni LA ay inaya naman sya ni Bright na magsayaw at pumayag naman si LA

Habang nagsasayaw sila ay nagsayaw din ang ibang couple at ganon din kami ni Jin at si Cath and Ethan din ay nagsasayaw

Nang matapos ang ganong kaganapan at bumalik kami agad sa room, at tinulungan namin si LA sa higante nyang tedy bear na panda

"Woi! May Marriage booth don oh, tara pakasal na kayong dalawa" sabi ko kay LA at Bright at sinasadya kong lakasan yun para marinig ni kurt at mukang nakuha naman agad ni cath ang gusto kong ipahiwatig

"Kaya nga, para wala ng hiwalayan" sabi ni Cath at natawa naman ang dalawa

"Kasal agad" si LA at natatawa din

"Kaya nga hindi pa nga ako sinasagot nito eh, pero ramdam kong malapit na" nakangiting sabi ni Bright at natawa kaming lahat

"Wow ah" di makapaniwalang sabi ni LA

"Will you marry me" sabi ni Bright at inilahad pa ang kamay nya

"Yes na yan, saka may kiss din dun" sabi ko at nilakasan ko ulit yun at nakatingin pa din samin si Kurt at alam kong rinig na rinig nya ang mga pinag uusapan namin kahit hindi ko lakasan, pero bakit ba gusto kong lakasan eh

"LA, again will you marry me" sa pangalawang tanong ni Bright nun ay tumayo ni si Kurt at naglakad pero bago pa sya makalayo ay narinig na nya ang sagot ni LA

"Yes" sabi ni LA na ikinahinto ni Kurt sa paglalakad "i will marry you" sbi ulit ni LA kaya may naisip akong plano

"Tara na sa marriage booth" sabi ko at naglakad malapit kay kurt "Bright may kiss din dun, sa pisnge or sa Noo lang pero kung gusto mo eh sa labi mo halikan si LA" malakas na sabi ko at rinig na rinig yun ni kurt at syempre narinig din yun ng mga classmates namin kaya nagtilian na naman

"Sa labi, sa labi, sa labi" sigaw ng mga classmates ko at nagulat nalang kami ng biglang umaalis si kurt at padabog na sinara ang pinto

"Jelly jelly" malakas na sabi ko at napairap sakin si Zelestine pero tinaasan ko lang sya ng kilay

Nung umalis si Kurt ay agad naman kaming nagpunta sa marriage booth at saktong pagpunta namin dun at wala ng costumer kaya agad na ikinasal kuno sila LA at Bright

"You may now kiss the Bride" sabi nung pari-parian dito at nung hahalikan na ni Bright si LA sa noo ay nagulat kami ng may biglang humila kay LA at mas nagulat ako kung sino yun

'KURT!'

Oo hinila ni Kurt si LA palayo kay Bright at hindi ko alam kung saan nya dinala ang pinsan ko, at susundan sana ni Bright yung dalawa pero pinigilan ko sya, para naman makapag usap ang dalawa

'Selos selos'

______________________________________

Nangangamoy selos!

Vote this chapter guysssss!

Enjoy Reading!

Pinkylian♥

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt