Part 1

110 5 0
                                    

"Ale bili na po kayo. Bangus po. Sariwa pa po 'to."

"Sir, bili na po kayo. Ilang kilo ho sa inyo?"

Sa araw na ito'y nandito na naman ako sa palengke, sa pwesto ni Aleng Merced, 'yong amo ko. Sa kanya ako nagtatrabaho sa ngayon dahil wala akong matinong trabahong nakuha dahil sa hanggang high school lang ang natapos ko.


"Magkano?" Tanong ng isang lalaking hindi naman karaniwang bumibili sa'kin.

"Uh, 150 per kilo lang ho." Sagot kong medyo nahihiya pa sa kanya. Sino bang hindi mahihiya? Ang gwapo niya at ako ang dungis-dungis. Napahid ko bigla nang wala sa oras ang aking noo.

"Pabili. Dalawang kilo."

Agad naman akong kumuha ng mga bangus at isinansalan sa timbangan. Pagkatapos noo'y binigay ko na iyon sa kanya.

Agad siyang umalis pagkatapos. Haaay. Sa buong buhay ko'y palagi naman akong nakakakita ng gwapo pero iba ang awrahan ni kuya.

Nang makabawi sa pagkatulala ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nagpatuloy ako sa pagtinda hanggang sa na-sold out ko lahat ng paninda kong isda.



Pagkatapod kong magtinda ay nagpaalam na ako kay aleng Merced at binigyan niya naman ako ng sahod pagkatapos ng pagtitinda ko. Gano'n naman, araw-araw akong may sweldo para makatulong ako kay mama.

"May maibibigay na naman ako kay mama." Ngiting turan ko habang nilalakbay ang daan pauwi sa aming bahay.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon