Chapter 26

70 30 0
                                    

Under the shades.

C h a p t e r : 2 6

PRIM

Pikit-mata kong ininat ang mga braso ko at humikab. Sumasampal sakin ang katotohanang hindi ako early bird ngayon.

Shuta naman kasi!

Napuyat ako dahil lang sa kakanood ng serye ng mga baliw habang tumutungga ng alak. Sarap bangasan. Di pa sila nakuntento, pilit pang pinapasadahan ang ilong kong halos sundan na kung saan man magtungo ang kamay nilang may alak.

"Prim! Bangon na malapit na tayo!"

Bangag akong napatda sa pag kakatulala ng sumulpot bigla si Sid. Ewan kung saan ako nakakuha ng lakas pero nagpapasalamat ako dahil may enerhiya akong batuhin ang hinyupak nato. Kaya naman mabilis kong kinuha ang unan ko at ibinato sa peste niyang mukha.

"Kakain muna--"

Pasimple siyang tumungo banda sa closet ko para kunwaring tignan ang mga damit ko kaya naman sa pinto ang bagsak ng unan ko.

Tsk! Nakaiwas.

Adik na ngisi ang iginawad niya sakin matapos makalapit sa pwesto ko na parang isang biro lang ang ginawa ko.

"Tayo." Tuloy niya.

"Walang tayo." Gagad ko.

Ansarap lang pektusan nitong kaharap ko. Hindi ko na nga alam kung pano na ako babangon dahil na i-stuck lahat ng buto ko. Pati nga buhok ko ay di ko man lang magawang maayos kaya nag mukhang tinirintas ng sampung adik sa kanto.

Sila sa shabu adik.

Eh ako?

Saan pa ba edi sayo!

Haha. Putangina.

Single nga pala ako.

Pansin kong humalukipkip siya sa sinabi ko.

Ba't totoo naman.

"Ha! Kala mo naman papatulan kita. Over my dead body~" Maarte ang tono na ultimoy diring-diri sakin.

Yamot man ay kusa nang napagalaw ang katawan ko patayo at inis na binalingan si Sid na pinapakialam ang mga gamit ko.

"Lakas mo. Tabi nga!" Mahina ko siyang itinulak dahil paharang-harang siya sa pinto ng banyo ko. Mahirap na baka magiba bigla ang ihip ng hangin mailublob ko siya sa inidoro ng wala sa oras.

Fresh yon.

Nag sipilyo lang ako at naghilamos muna. Hinayaan ko nang ganun ang ayos ng buhok ko. Wala namang mawawala sakin.

Isinuot ko din ang mabalahibo kong tsinelas. Hindi ko nadin pinag kaabalahang palitan pa ang damit ko kasi ok naman. Disente pa tignan. Pajama na tinernohan ng isang nagmisulang XL size na itim na t-shirt sakin.

Bigay ito ni kuya Sebastian, binigay niya bago pa kami umalis. Maganda daw ay suotin ko habang nandito pa si Calid at si Sid dahil nakakatanggal daw ito ng malas. May text ito na kulay puti na 'F*ck him.' at sa ilalim ay may arrow na sakto nakaturo mismo kay Sid.

Tiyamba!

Magkatabi kaming naglakad papuntang second deck. May pagkakataon pang nag babanggaan kaming dalawa. Kung hindi naman malakas ang pagkakabunggo ay  mag iiswey kalang pero kung matindi tindi ang bwelo bumabagsak kami o kaya umuuntog sa kung ano-ano.Lumubay din naman kami ni Sid ng pumasok na kami sa isang restaurant.

"Buti naman hindi kayo nag tagal." Sabi ni Calid na nakaupo na sa hapag.

"Kala ko kase mag bubugbugan pa kayo."

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Where stories live. Discover now