Chapter 22

61 32 0
                                    

New Tropatrups.

C h a p t e r : 2 2

Rain, rain don't go away sana tamaan sila ng kidlat today.

"Kuya? Kuya. Huy, mga baks!" Malakas kong niyugyog ang katawan nila.

Nanghihinang napabalik ako sa pagkakahiga at sinubukang mamahinga sandali.

Asar naman! Anong gagawin ko para magising ang mga talipandas? Inunat-unat ko muna ang mga na kawawang buto ko na namanhid dahil sa kadadantay ng kung sino-sino.

I know it sounds stupid but--

"GUYS! NAWAWALA DAW AKO?" Gulat na gulat na sabi ko na halatang kahit ako hindi din makapaniwala na nawawala ako.

Isang pinagbabawal na teknik.

Bigla silang nagsibangunan na parang hindi natulog. Agad ko naman silang pinukol ng masamang titig.

Bakit niyo pa ko pinahirapan!

"Si Prim yung sumigaw diba?!"

"SHIT NAWAWALA SI PRIM!"

"What happened?! Where's Prim?"

"Prim? Primyo? Saan?"

Gusto ko na atang manampal.

Hello? Andito ako, o, bakit hindi niyo pa din makita ang halaga ko?

Isang malaking charot para sa puso kong maharot.

Mabilis kong hinigit ang mga parte ng katawan ko na walang habas nilang pinagmalupitan.

Mga vaklang touh.

"Tumabi nga kayo riyan! Argh! Anong oras na? Malapit na mag twelve, 30 minutes left nalang! Hala, magsigiyo na tayo mga ka barangay!" Pag aaya ko sakanila para naman magsiklos na.

Kahit ako nakahiga pa.

Pumitik paharap sakin ang ulo nila at tinitigan ako ng matagal tapos sila naman ang nagtinginan.

Napairap nalang ako sa hangin. Ayan nanaman sila. Pwede ba kung may staring contest isama na nila ako?

Im a fan huehue.

"Halika na mga kasama. Kailangan nating magsibangon para sa mga darating na bisita..." Pilit kong itinayo ang sarili ko pero mga buwisit talaga ang mga kasama ko dahil imbis na bumangon dinaganan nanaman ang mga paa't kamay ko. Letche talaga.

Ano nalang mangyayari samin dito kung pati ako naimpluwensiyahan ng katamaran nila? Syempre di din ako babangon kung ganon. Pag di naman ako bumangon damay-damay na kaya wala na talagang babangon. Kapag wala ng bumabangon tatamarin na kami habambuhay. Kapag tinamad kami habambuhay, magkakasakit kami ng malala dahil sa hindi pagligo at pagkain. Pag nag kasakit kami i o-ospital kami, pag di kaya ng ospital morgue agad ang kababagsakan namin.

In short, mamamatay kaming lahat.

Napabuntong hininga ako. Hindi naman sa ayaw kong tamarin at humilata nalang hamambuhay pero kailangan ko kasing harapin ang bumbay na iyon. Madami-dami na din siyang atraso sakin lalo na nang iwanan niya akong mag-isa sa bahay nila at mapagkamalang kabit ng asawa niya.

At lalong hindi mapakali ang kalooban ko sa tuwing ma-aalala ko ang sagupaan namin.

Kaya hindi pwedeng hindi ko siya makita miski ang anino niya mamaya!Iyong lalaking iyon talaga. Hahatakin ko ang patilya niya pag nagkaharap kami!

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Where stories live. Discover now