Chapter 21

80 33 0
                                    

Birthday gift.

Chapter : 2 1

"Ano yan?"

Bungad ni kuya Sebastian sakin pag katapak na pag katapak ko dito sa pinto ng dining hall namin.

Kaya pala nakararamdam ako ng masamang enerhiya sa kwarto na itris.

Halos magkadikit na ang mga kilay niya at titig na titig ngayon sa damit ko.

Baka gusto niya din?

Napataas ang kilay ko at tinignan ko ang suot ko.

Ok naman ah, walang butas ang suot kong pajama. Depende nalang kung meron at di ko kita.

"Bakit? Ok lang naman ito saka komportable. " Asiwang napatingin ako sakanya na sinusuri ako na parang may nagawa akong matinding kasalanan.

Tss.Buti nga at hindi ko iniluwa ang kaluluwa ko. Saka as if naman gagawin ko yun. Ni hindi pa nga ako nakapag su-suot ng lingerie at kung ano pang bagay na ginagawa ng mga kabataan ngayon.

There's no way in hell I would.

"You know after this we're going to hold a party. A ball. Sasayaw don at makikihalubilo hindi makikipag hampasan ng unan." Paanas niyang sabi at pinagdiskitahan ang magulo niyang neck tie."Kung sana lang pwede ding manghampas ng bwisita edi sana araw-araw nag papa-party ako madagukan ko lang sila."

Natawa nalang ako sakanya.Mukhang hindi pa nga sila nagkakausap ng mga mokong na yon ah.

Nandito kami sa Dining Hall ng Palasyo para tumambay. Kakain muna kami ng pribado at mag bo-bonding bago makipag ututang dila sa mga bisita mamayang alas-dose ng gabi.Tatagal din kase yun hanggang madaling araw kaya kami muna magkakalat.

After nun sila naman, pero papauwi ko din sakanila o kaya naman isa-isang ipapadala sa bahay nila.

Unti-unting tumataas ang presyon ko kapag naalala ko nanaman ang mga posibleng mangyari mamaya. Panigurado madami-dami nanamang linta ang itutulak ako mapalapit lang sa mga palakang to. Saang sulok ba naman kase makikita ang kakisigan nila nang mahagilap ko naman?

Susmaryosep.Subukan din nilang kuyugin at sugurin ako dahil mananapak na talaga ako. Pero sure akong masarap naman ng kamao ko kahit papaano.

Parang ako lang.

Lumapit ako sakanya ng makita kong hindi niya padin matapos-tapos ang pag a-ayos ng neck tie niya.

Kita mo tong taong to.

Natatawang nagpresinta nalang ako na ako na ang mag aayos dahil kilala ko naman ang ugali nitong kasama ko. Kala mo ipinaglihi sa sama ng loob dahil lumalabas kaagad ang pagka hitler pag nainis.

Pinagpag ko ang damit niya matapos kong ayusin ang kurbata niya.Tumitig naman ako sa berde at ginto nitong mga mata."Kuya..Pwede namang mapalitan ang suot ko agad-agad.."

Tumaas ang isang kilay niya habang hinihintay ang susunod kong gagawin.

"Look." Hinawakan ko ang piercing ko.

This is a spying and weapon device na kakagawa lang ni kuya Dishax para saming anim. Si kuya Sebastian na nga lang ang hindi pa nabibigyan.

Matampuhin.

Dapat nga wala pa din ako e. Ang kaso nambulabog ako kagabi. Pumasok ako sa kwarto ni kuya Dishax para sana makipag laro ng UNO kasama si Sid at kuya Michael. Hindi din naman natuloy dahil pina-try niya samin yung bagong imbento niya kuno. Dinamay niya nadin si Dionysus na walang kamalay malay at napadaan lang.

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Where stories live. Discover now