Chapter 19

77 36 1
                                    

Red.

C h a p t e r : 1 9

Kase naman eh papayag nalang di pa magawa.

Lalo kong niyakap ang braso niya."Kuya Sebastian ! Sige na~ Payagan mo na koooo."

"No means no." Pinilit niyang bawiin yon pero mas hinatak ko pa lalo. Iniwas niya pa ang tingin sakin saka nagbasa ng libro.

Ok time to use paawa effect Strategy.

"E, sasama lang naman ako kase may gagawin nga ako." nilungkutan ko ang boses ko.

Tumingin siya ulit sakin.

Taray! Mukhang gumana.

"Ano ba kaseng gagawin mo dun?! Kung sinabi mo sana edi tapos tayo ngayon! Haist!" binalik niya ulit ang atensiyon sa libro.

Nako po hindi pwede! Mapupurnada ang plano namin pag nagkataon.

Pasimple kong tinignan sila kuya Dishax at kuya Michael.

Kailangang gamitin ang makuha ka sa tingin convo!

Lalo naman akong naglambing kay kuya Sebastian at sumandal sa braso niya.

Sa wakas! Pinasadahan ako ng tingin nila kuya Michael!

'uy tangina tulungan niyo naman ako!'

Todo ngiti pako habang pinanlalakihan sila ng mata. Bigla naman nila akong tinayuan kaya abot langit ang ngiti ko kaso bigla nalang silang umalis.

Kuya Michael eyed me.

'Kaya mo na yan.'

Putragis.

Sila nag plano! Desididong desidido pa kung makayaya sakin!

Di naman talga dapat ako papayag dahil pakiramdam ko bagong modus nila toh.

Pero kasi...

Birthday ni Kuya Sebastian at gusto kong gumawa ng surprise sakanya bago kami umalis papuntang isla.

Kaso wala. Nga-nga. Inindian ulit tayo dito.

Next strategy!

"Kuya..." this time ay mas hininaan ko ang boses ko at tumingin sa napakagandang libro ng kuya Dishax ko. Kasama ng pinakamamahal na cellphone ni kuya Michael na kakaiwan niya lang.

Naalala kong may dala akong lighter kaya kinuha ko yun sa bulsa.

Tignan natin kung di kayo lumabas sa lungga niyo.

"Alam mo kuya Sebastian..." Dahan dahan kong kinuha ang libro at cellphone. "May bigla akong naalala."

"Ano nanaman? Kung ano man yang pakulo mo sinasabi ko sayo hindi gagana yan sakin."

Weh.

Tignan natin ang hula ko kung gagana. "... Kilala mo ba yung nakaiwan sakin sa bar?"

Dun kase dati tambayan ni kuya Sebastian saka isinasama niya ko pag trip niya.

Akala ko naman nahimatay si Kuya nung wala nakong naririnig na paghinga.

Na guilty ata sa sinabi ko.

Gusto ko namang magdiwang nang biglang lumabas sila kuya Dishax.

Give it to me I'm worth it!

Sa tingin ko tama ang hula ko dahil sa reaksiyon niya. Nice!

Itong susunod na gagawin ko alam kong suntok sa buwan dahil wala naman silang pakialam kahit anong idahilan ko dahil hindi pa din nila ako papayagan.

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Where stories live. Discover now