Chapter 18

73 36 1
                                    

The guy.

C h a p t e r : 1 8

"Prim. It's about our parents."

Biglang nabuhay ang braincells ko.

Sumunod ang tingin ko kay kuya Dishax na umupo.

Kela mama? Nakakuha na ba sila ng hint kung nasaan sila?

Tinitigan ko silang tatlo ng mabuti.

Masyado silang tensiyonado.

Nakaharap sila sakin ngayon at parang tinatantsa nila kung anong magiging reaksiyon ko.

Pinili ko nalang na maging kalmado. Ayoko pang madagdagan lalo ang mga pinapasan nilang problema. Lalo pa't alam ko na sobrang dami na nilang inaasikaso dahil ayaw nilang madampian ako ng kahit anong sakit sa ulo.

Isinandal ko ang katawan ko sa couch. "What about them?"

Nagsalita si kuya Michael. "Before that I have something to tell you. Recently, isa-isa nang nag ba-backout ang mga allies natin sa organization pati ang investors sa kumpanya. The reason behind this dilemma, is a SPY."

May inilapag na folder si kuya Dishax kaya inabot ko yun at binasa.

May pakurbata.

Nakita ko ang isang lalaking naka business attire. Madami-dami siyang pictures dito na halata namang stolen shots. Meron ding picture kung saan nakulong siya.

Una kong nakita ang nakatagilid niyang kuha at masasabi kong may itsura naman kahit papaano pero nung nakita ko ang harap.... ngiwi nalang ang naibigay ko.

Mukhang hinampas ng tabla sa mukha.

"That is Paul Vicente. 19. May ari ng ng isang Mall sa Manila,Taguig, Cebu at kung saang parte pa ng Pilipinas. Patago-tago ang isang ito but his last location is in Quezon." Sabi niya sakin

Quezon? Sounds familiar To me.

Gumawi ang tingin ko kay kuya Sebastian na sa di malamang dahilan ay tatahi-tahimik ngayon.

"Kuya diba nandun naka locate yung mansiyon mo?"

Umismid lang siya sakin. "Banas ako sa pagmumukha ng ungas na yan. Ayokong makita." Saka niya inihiling ang mukha niya sa ibang direksiyon.

Ay attitude si ate.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kayla kuya Michael at Dishax.

I mouthed them. 'Anong meron???'

Nagkibit-balikat lang sila.

Nakigaya nalang din ako sakanila. Siguro naman walang kinalaman sakin yun at lalo naman kung ako na ang may kinalaman dito sa taong nasa folder na hawak-hawak ko ngayon.

Nagpatuloy na mag-salita si kuya Dishax. "This guy changes his name frequently..." Isinandal niya ang kanyang mga braso sa tuhod niya saka pinag-saklop ang mga kamay.

Nabaling ang tingin ko sa kamay niya.

Ganyan din sana kami ng jowa ko.

Kaso naalala ko wala pala akong jowa.

"Halatang bihasang-bihasa at ngayon siya si Paul Vicente. He is the total definition of a lier . Sa galing niyang mag-sinungaling wala man lang nakahalata sa pinag gagawa niya and not just that, he isn't just a man who know how to use his words wisely. He arranges everything. His background, how he's going to act, he even paid persons to pretend as his family. Everything that revolves around him is a lie."

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon