Chapter 16

101 38 7
                                    

Our only damsel in distress.

C h a p t e r : 16

PRIM

"I love you..."

"I love you..."

"I love you..."

"...love you..."

"you..."

" sorry..."

"sorry.."

"WALA KAYONG KARAPATANG MABUHAY!!"

*BANG!!

"HINDI!!!!-aray!" Dali dali kong niyapos ang sarili ko at hinimas ang ulo ko.

Pakshet naman.

Gigil akong napasandal. Di ba pwedeng mas madrama yung nangyari sakin?

Yung tipong sisigaw ako tas bigla akong yayakapin ng kung sinong ponsiyo pilato diyan? Asan hustisya?

Nakarinig ako ng naghihilik.

Hala? Sino yon?

Kaagad hinagilap ng mga mata ko kung sino ang naghihilik.

Nanliit ang paningin ko ng makita kung sino ang mga iyon.

Abay magaling! Kaya pala hindi ako makahinga dahil may dalawang talipandas na nakahiga sa higaan ko. Ang masaya ay dinantayan pa ako.

Napatitig nalang ako sa kawalan at biglang nawalan ng gana.

isa...

Dalawa...

Tatlo.

"Ay gago!"

"What the fuck?!"

"What the hell is your pro-"

"Kulang ka ba sa aruga-"

Kusang pumihit sakanila ang ulo ko at tinitigian ko silang dalawa ng masama habang hinihimas nilang ang likod at balakang nila.

Anong kulang sa aruga?!

"Uy gising ka na pala."

"Obvious ba?"

Sabay silang tumayo at ngingiti-ngiting lumapit sakin ng bigla silang huminto at nagkatinginan. Samantalang ako ay nanatiling bagot habang naghihintay kung ano man ang sunod na gagawin nila.

Inakbayan ni kuya Michael si kuya at tumalikod sila. "Hey. Hindi kaya hindi nanaman niya tayo makikilala?"

Sige magbulungan lang kayo. Wala talaga akong naririnig.

Mula rito ay kita ko namang biglang natuod sa pwesto niya si kuya dahil sa binulong ni kuya michael. Natahimik ito at panakawnakaw pa ng tingin. Kala naman nila kakaiinin ko sila. Makatitig wagas.

Alam ko maganda ako.

"Tsk. Di ko naisip yon. Pero bahala na. Mag-isip ka na role. Dali." Papitik pitik pang sabi ni kuya na naka pamewang habang nakaakbay sakanya si kuya Michael.

Todo tango naman si kuya Michael.

Hala sila.

Mga luwag ata ang turnilyo nitong mga to? Role role. Ano toh drama? Lilinlangin ba nila ako ulit tas sasabihin naman nila na sila ang tunay kong ama't ina?

SHATTERED : The Aberrant [ Book 1 of Shattered ( Zero Series #1) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon