CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa

1.6K 59 11
                                    

CHAPTER 22

Jasmuel’s P.O.V.

“I’m gonna swing from the chandelier, from the chandelier

I’m gonna live like tomorrow doesn’t exist…”

Been practicing this song for an hour, a duet with Apples. Pinapractice naming dalawa ang kakantahin namin para sa Christmas special na sobrang concentrated siya sa kanta at hindi man lang ako gawing kausapin. Kailangan pa ‘yung coach namin ang kakausap para sa ganitong pasok ng tono at kung ano man.

“I’m gonna fly like a bird through the night, feel my tears as they dry.

I’m gonna swing from the chandelier, from the chan—”

Hindi ko pa man natatapos ‘yung huling chorus tumayo na bigla si Apples.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko dito. Tumutugtog pa rin ang banda nang tumayo siya. Lumingon naman siya mula sa kinatatayuan niya.

“Alam ko naman na ‘yung part ko sa kanta. I can practice on my own.” May katarayan na sabi nito at patuloy na naglakad.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Fine, siya na magaling. Masyadong ma-attitude itong babaitang ito akala mo naman ang tagal tagal na niya sa industriya e nakaka-three years pa lang naman siya.

At kung maka-arte, hello, nakapagconcert na ba ‘yan sa Araneta? Hah! Pag ako ginanito niya pa sa final rehearsals makakatikim na ‘to sa akin.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si nanay.

/ Nay! May ginagawa ba kayo ngayon? / Tanong ko agad dito.

/ Wala naman, nak. Bakit? May problema ba? / May pag-aalala sa tono ng boses nito.

/ Punta po ako dyan. Wala naman na po kasi akong gagawin e. /

Pagkasabi ay ibinaba ko na ang tawag. Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko sa rehearsals para puntahan ang pamilya ko. Dumaan muna kami sa isang bilihan ng cake para may dala naman akong pasalubong sa kanila.

Mabuti na lang wala na akong ganap today kung ‘di rehearsals lang. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapunta sa bahay namin e.

Pagdating doon ay mabilis akong pumasok ng bahay. Paskong-pasko na dito sa bahay at may Christmas tree na, sa condo ko wala pa! Si nanay lang tao dahil nasa trabaho si papa at ate tas nasa school pa si bunso.

“Anong meron at napadalaw ka?” Tanong ni nanay na kumukuha ng pitsel ng tubig sa ref habang nakatayo ako sa may kusina.

“Medyo nastress lang ako du’n sa kasama ko.”

Ibinaba nito ang pitsel sa lamesa at lumapit sa akin.

“Sino? Inaway ka ba? Binully ka? Ano?” Pag-aalalang tanong niya.

“O.A. ‘nay? Wala. May attitude kasi. Iwan ba naman ako rehearsals e duet pa man din kami. Pero hayaan mo na, mas magaling ako do’n.”

“Isumbong mo sa mga producer para mabigyan ng aksyon. Hindi dapat hinahayaan ang mga taong ganyan ang ugali.” Sabi ni nanay at binigyan ako ng baso na may tubig.

Lumipat kami sa sala at binuksan niya ang TV. Saktong commercial ko naman ang nagpe-play. Tahimik lang naming dalawa na pinanood ito. Sa sandaling ito biglang sumagi sa isip ko, ang bilis talaga ng panahon. Pinangarap ko lang ‘yan dati tapos ngayon sarili ko na pinapanood ko sa TV. Grabe.

“Nak, may pangarap ka pa ba bukod sa pagiging artista mo?” Biglaang tanong ni nanay na ikinalingon ko.

“Meron pa naman, nay. Bakit po?”

Behind the Spotlight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon