CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale

1.7K 71 40
                                    

CHAPTER 50

Jasmuel's P.O.V.

Napako ang mga paa ko. I don't know if my feet will step back, or step forward. Lumalakas ang hangin na dumadampi sa balat ko. Wala naman na sigurong dahilan para umatras pa ako.

Lumakad ako pa-abante at walang pag-aalinlangan na tumabi sa lalaking nakatayo. Tumingin ito nang maramdaman na may tumabi sa kanya. I am just looking straight to the view.

"I've been seeing this view for the past five years of my life. This view has been my escape in times I feel... alone. Pagmamasdan ko lang ito, pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa." I said.

"I will be missing this view..." And I pause for a moment para pagmasdan lang ito.

"You're moving out?" His emotionless question.

Sumagot ako ng tango. "My dream house is finally built. Makakasama ko na din ang pamilya ko sa iisang bubong. Matagal din akong naghintay. Ang bahay na iyon, ang tagal kong binuo. Pinagtibay ng iba't ibang klase ng pangyayari sa buhay ko. May masaya, may hindi inaasahan, may lungkot, may sakit..."

"But behind all of it, I did not just built a house, but built the person I have become. Amidst all of the cheers, flashing lights and applauses. This is still me, behind the microphone, behind the camera, and behind the spotlight."

And it is true. Yes, I changed... for the better. To everything that happened to me, I treated them as my foundation to the improved version of me.

"Minsan naisip ko din, paano ako makaka-survive sa buhay na mag-isa lang ako? Kaya lagi kong pinapasalamatan ang Diyos sa mga taong ipinagkaloob niyang maging bahagi ng buhay ko. Dumating man, o umalis..."

"Because they tend to be a blessing, or a lesson to me." Dugtog ko.

"And I was your biggest mistake..." Sabi ni Jacob. Tumingin ako sa kanya at napadiin ang mga labi.

"No, you are one of the best things that happened to me. Kahit kailan hindi ka magiging malaking pagkakamali sa akin. You taught me not to be afraid to love again. For me, that is the perfect lesson I learn in life."

Sandali kaming nabalot ng katahimikan. Hindi kami nagkibuan at dinadama lang ang malamig na hangin. Ang sarap kaya. Ang presko.

"I was in your concert earlier." Sabi nito. Nagulat ako. Ibig sabihin...

"And... I heard you sing that song you wrote—"

"For you. Yes, for you." Pinutol ko na siya. "Aking Awitin... my favorite song ever written. As I remember, sinulat ko iyon ng tatlong gabi. Umiiyak ako no'n."

Bahagya akong natawa nang maalala ko 'yung panahon na iyon. "'Yon na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko." Namumuo nang muli ang mga luha ko.

"Ipinagdamot ko ang nararamdaman ko. Sinolo ko. Nagtago ako. Kung wala pang nakahanap sa akin, baka wala na ako ngayon sa tabi mo." Pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa mata ko. At pilit na tumawa nang mahina para i-angat ang mood.

"Jas," hinawakan niya ako sa kamay at nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I'm really sorry. You are one good person. You never fail to give your heart to the people around you. I have always felt guilty when I hurt you. Ang tanga-tanga ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa atin ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko... I'm sorry, Jas. I'm sorry." And he starts crying. I feel sincerity in his words.

Tumulo muli ang mga luha ko. "I never regretted loving you, Jacob. Marahil may mga tao lamang na naka-laan para sa atin. At hindi talaga tayo para sa isa't-isa. God gave me you for a time to let me feel to be loved. And yes, I did."

Behind the Spotlight (COMPLETED)Where stories live. Discover now