CHAPTER 20: Getting to Know Him

1.5K 63 19
                                    

CHAPTER 20

Jasmuel’s P.O.V.

Isang oras na akong nag-iiba’t ibang posisyon, pose at nakangiti. I’m having a photoshoot for a teen magazine for next month’s issue. Nakakatuwa lang dahil ang daming damit ang isinusuot ko. Iba’t ibang kulay, at napakacreative ng stylist ko dahil ang gaganda ng mga pinipili niyang damit sa akin.

“Change outfit na muna tayo.” Sinabi ng photographer kaya pumunta ako agad sa dressing room para mabilis na matapos.

At matapos ang isa pang oras, natapos din.

“From the bottom of my heart, thank you for accepting this project. Hindi kami nagkamali na ikaw ang pinili namin for next month’s issue.” Sinabi ng photographer.

“Nako, wala ho iyon. Maraming salamat din dahil ako ang kinuha ninyo.” Nagkapalitan pa kami ng usapan ng photographer hanggang sa matapos ito.

Pumasok na ako sa dressing room para suotin ang sinuot ko kanina.

“Jas after dito may appointment ka with P&G. Kaya ito na lang suotin mo para mukha kang presentable.” Sabay abot sa akin ng isang pantalon at magandang pang-itaas.

Maganda naman ang suot ko – shorts, t-shirts at espadrilles. Inagaw ko ito sa kanya at pumasok na sa fitting room.

Pagtapos kong suotin, mas maganda nga ito. Kesa ‘yung kanina na parang nasa bahay, ngayon mukha na talaga akong pupunta sa isang meeting.

Naupo muna ako sa isang gilid habang inaayos pa nila ang mga gamit na dala namin. Sa kaliwa ko ay may isang hilera na puro magazines. E mukhang matatagalang sila ng kaunti kaya naisipan ko na lang na kumuha ng isa.

June 2012 issue.

Inisa-isa ko ang mga pages. Puro mga damit, mga teenager na modelong lalake’t babae na ang ku-cute.

Paglipat ko sa isang pahina ay naningkit ang mga mata ko at tinignan ito ng maigi. Gwapo, maputi, kilala ko kung sino ang ganito. Dinako ko ang ang mga tingin ko sa ibaba at naconfirm ko kung sino ito.

Jacob Davis

Aba, modelo pala ang lolo mo.

“Tara na Jas at baka malate pa tayo.” Istorbo ng assistant ko. Tumango lang ako at sumunod na sa kanya habang tinitignan pa rin ang magazine.

Hindi lang isa ang picture niya, meron pang nakapang-sports, pang-casual at topless. At that very young age, ang ganda na ng katawan niya.

Nakakapang-laway. Eng sherep sherep.

Hanggang sa biyahe ay busy pa din ako sa pagbabasa ng nakasulat na interview niya. Sinabi doon na galing siya sa isang private school at pangarap talaga niyang maging isang engineer.

At nung tungkol na sa lovelife, ang sabi doon ay ‘Love is very foolish.’ Awtsu. Broken hearted ata ang lolo during the interview.

“Saan mo naman nadekwat ‘yan?”

Napabalikwan ako sa biglang pagtatanong ng assistant ko.

“Hiniram ko lang kanina doon sa photoshoot.” Depensa ko.

“Hiniram? Paano mo ibabalik ‘yan eh malayo na tayo sa pinanggalingan natin kanina.”

Agad akong napatingin sa labas, at oo nga, malayo na kami!

“Oh, sige nga, pano mo ibabalik ‘yan?”

Tinignan ko naman siya na parang ewan. Hindi ko alam… paano nga ba?

“Siguro naman ibibigay na nila sakin ‘to eh lumang issue na nila ‘to. 2012 pa!” sabay pakita ko dito at bumalik na sa pagbabasa.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu