CHAPTER 16: Weird Feelings

1.6K 62 8
                                    

CHAPTER 16

Jasmuel’s P.O.V.

Saktong alas-diyes ng umaga nang makarating ako sa location namin ng taping. Medyo sad lang dahil nasa kabilang unit si Keith. Wala akong makaka-usap na mas close ko. Friends ko naman lahat ng nasa cast pero, iba e, iba closeness namin.

Papalakad pa lang ako sa tent na magsisilbing dressing room ko nang matanaw ko ang ibang staff na sumisilip sa loob noon at yung iba naman ay kinikilig. Ano kayang meron doon?

Nandoon kaya si Keith?

Bumati muna ako sa mga ito at saka pumasok. Pagpasok ay ikinagulat ko ang bumungad sa akin. May isang malaking-malaki, as in malaking bouquet ng red roses ang nakapatong sa ibabaw ng isang upuan. Ang laki! As in!

Nagtataka akong lumapit dito at kinausap ang assistant ko.

“Akin yan?”

Tinuro lamang nito ang card na kalakip nito at kinuha ko ito sa pagkakalagay.

To my dearest Jas,

Good morning! I hope you’re having a good day.

Keith

Yun ay buo na ang araw ko. Jusko Keiiiiiiiiiiith! Nilapitan ko ang mga bulaklak at inamoy ang mga ito. Hmmm… ang bango bango! At ang lalago!

“I-post mo na sa Instagram yan!” Sabi ng aking assistant. Ayoko naman masabihan na feelingera masyado o nagmamaganda diba.

“Nako ate, wag na. Mamaya kung ano pa sabihin ng mga tao sakin.”

“Ano k aba, maraming tao kaya ang kinikilig sa inyong dalawa. Lalo na ang mga beki, excited sila sayo, sa kung anong estado ng relasyon niyo ni Keith…”

“Relasyon naming ni Keith? Oo, magkaibigan kami, at yun lang ang relasyon namin wala ng iba.”

Naupo na ako sa harap ng salamin at nag-ayos na para simulant na ang make-up sa akin.

“Pero kahit na, alam mo merong mga pangarap ang mga bekies na kapag ang isa sa kafederasyon nila ang nagkaroon ng jowa, siyempre, hindi sila mawawalan ng pag-asa kahit beki sila, magkakaboyfriend sila, diba?”

Aba, at mas kilala pa ata niya ang mga bakla sa akin ah.

Muli akong tumayo at kinunan ang bulaklak.

“Kitams? Gagawin din pala…” Sabi nito habang inaayos ang aking mga gagamitin.

Ipinost ko ito sa Instagram with a caption of:

Thank you for the flowers. :-) at doon ay tinag ko si Keith sa kanyang account.

Naupo na ko ulit sa upuan at doon ay sinimulan na ang make-up-an!

Dalawang sequence na ang tinapos bago ko ulit mahawakan ang aking phone. Bumalik ako sa loob ng tent at doon ay nagpahinga muna.

Chineck kong muli ang Instagram and to my surprise, it reaches almost 400k likes! Wow! First time ko ito! Binasa ko naman ang mga comments at natuwa naman ako sa mga ito. May nagpahayag ng kilig, may ilan na nagsasabing sana kami ni Keith ang magkatuluyan. Meron pang nagsasabing bagay na bagay daw kami. Asuuuuuuus, kay Keith niyo sabihin yan wag sa akin. Haha!

Pero hindi pa rin mawawala ang mga nega comments katulad ng hindi naman kayo bagay, ilusyunada, hindi bagay kay Keith ang magkaroon ng jowang bakla at kung anu-ano pa. Dinededma ko na lang. Hindi lang talaga ako mapagpatol sa kadahilanang ‘hahaba’.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Where stories live. Discover now