CHAPTER 13: The Neighbor

1.7K 58 8
                                    

CHAPTER 13

Jasmuel’s P.O.V.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing**Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* *Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Nag-iingay na ang alarm ko na kanina pa umiiyak. Dumilat na ko pero tinatamad pa rin ako bumangon.

Pikit na muna ako saglit. Five minutes lang.

Naalimpungatan ako sa panaginip ko na hahalikan daw ako ng isang prinsipe pero nagulat daw ako dahil naging halimaw ito.

Umupo ako at tinignan ang phone ko.

9:30 NA!!!!!!!!!!!!

Ang haba ng tinulog ko! Nag-alarm lang ako ng 7:00 pero anong oras na ako nagising! 10:00 pa naman ang call time namin. Grabe, super late!

Tumakbo na ko papuntang banyo para maligo ng 10 minutes. Lumabas at nagbihis ng madali at tinawagan na si Mang Ben. Mabuti na lang at nasa kotse lang ito. Ang usapan kasi namin 8:30 kami aalis ng condo pero late na nagising. Buti na lang hindi siya umalis.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng unit ko.

Patakbo ko ng tinungo ang elevator sakto naman na pasara na ito at pinindot agad ang open button para di tuluyang sumara. Nang bumukas ay pumasok ako agad ng hingal dahil sa pagtakbo na ginawa ko.

Sumara na ang pintuan ng elevator at nagsimula na itong bumaba.

Binabawi ko ang hininga ko habang nakatayo. Nakikita ko sa refleksyon ng salamin ng elevator ang katabi ko. Lalaki ito na mas matangkad sa akin. Naka-lavender ito na long sleeves na nakataas ang manggas hanggang siko. May suot din itong eye glasses at Korean bag na leather.

Hindi ko makita ang mukha nito kaya naman nilingon ko na ito.

Maputi ito. Matangos ang ilong at kahit naka-eyeglasses, namimilog ang mga mata nito. Hapit din ang biceps nito sa suot na long sleeves at naka-tuck in. Hindi ko lang makita kung may ‘santol’ siya sa harap e. Hehehe.

Nagkasabay na kami nung una at alam kong siya yung bago kong kapit bahay.

Tumunog ng muli ang elevator na naghuhudyat na nasa parking lot na. Bumukas na ang pintuan nito at naunang lumabas ang lalaki. Sinundan ko ito ng tingin hanggang makalabas ito. Sumunod na din akong lumabas at pumunta na kagad sa van.

Nakita ko pa ang lalaki na sumakay sa isang puting Porsche. Sumakay na ito at kumaripas na ng takbo. Ako naman sumakay na sa van at umalis na din.

I wonder who that guy is. I mean, his name. For the second time, hindi nanaman niya ako pinansin. Hindi nanaman niya ko na-notice? Daig niya pa ang artista, ang snob niya!

“Pasensya na po direk at nalate ako. Hindi po kasi ako nagising sa alarm ko.” Pagsusumamo ko sa director namin dahil Mag-aalas onse na ako nakarating sa set. Nakakahiya dahil ako na lang ang inaantay nila dahil ako ang una nilang kukunan. Tapos aayusan pa ko.

“It’s okay, dear. First late mo pa lang naman. Next time, wag na ha? Nasasayang oras sa taping e.”

“Sorry po ulit.”

“Okay na sige na. Ito naman, sige na magbihis ka na.” Sinabi nito sa akin at pumunta na ko sa dressing room.

Nakaupo na ko sa harap ng isang dresser at sinimulan na kong ayusan ng make-up artist and hair stylist ko habang nagbabasa ng script.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Where stories live. Discover now