CHAPTER 30: Ferries Wheel

1.4K 54 11
                                    

CHAPTER 30

Jasmuel’s P.O.V.

Nakasabit na ang mga makukulay at nagkikintabang mga banderitas sa buong university. Simula na kasi ng 50th Founding Anniversary ng St. Francis of Assisi University. Ang haba ‘di ba? Lahat ng mga estudyante ay nasa football field kung saan kasalukuyang dinadaos ang misa.

Mabuti na lang at maulap kasi kadalasan kapag alas-otso ng umaga ay mainit na. Mag-iisang oras na kaming nakatayo dito kasama sina Jamie at Seb sobra ang atensyon sa pari habang nagbibigay ng homily. Sabagay, ang babait din ng mga ‘to eh. Ako lang ata ang may bahid ng kasamaan sa aming tatlo eh.

Natapos ang misa at umalis na ang pari na pinalitan naman ng dalawang emcee.

“Hello, SFAU!!” Masiglang bati ng mga ito na nakapagpahiyaw sa mga tao.

Tinawag nito ang mga bosses ng unibersidad na ito para ma-open na ang foundation week.

Ito na!!!!!!

Magkakapatong ang kamay ng mga ito sa ibabaw ng isang malaking button. “And now, we officially open the Golden Founding Anniversary of St. Francis de Assisi University!” At sabay-sabay nilang idiniin ang kanilang mga palad sa buton at doon ay kasabay na pagsabog ng confetti sa iba’t ibang bahagi ng field at umalingawngaw naman ang napakalakas na musika.

Napapatalon na lang kami sa tuwa dahil ngayon lang ulit ako naka-experience ng ganitong klase ng foundation week. At ang bongga pa. Dati sa amin pagka-sabi, ‘yun na. Dito may pa-effect pa na ganito.

“Ang saya-saya!! Ang bongga ng foundation nila dito!” Masayang sabi ni Jamie na nakatingala habang bumabagsak sa mukha niya ang mga confetti.

“Truly!” Pag sang-ayon ko.

Nagkaroon ng kaunting programa hanggang sa ipakilala na ang mga kandidato’t kandidata ng pageant. Nandyan ang kaibigan ko!!

Isa-isa nang tinawag ang mga ito at nang sumunod na ang course namin.

“College of Business Administration!!” Sabay na tawag ng emcee at naghiyawan na kaming lahat.

Sabay na lumabas at naglakad papaharap sina Migo at Melissa na naka-suot ng office attire ng kurso namin. Si Migo na naka-royal blue long sleeves na may white tie at si Melissa naman ay naka-white corporate top at royal blue na pencil skirt.

“Hans Miguel Santos…”

“Melissa dela Cruz…”

“And we are from the College of Business Administration!” Sabay na bigkas nito at nagkahiyawan at nagkagulo na ang mga tao. Pati kami sa aming kinapupwestuhan ay galak na galak din sa mga nangyayari.

Hindi ko na muna ininda ang pagseselos sa katawan ko dahil proud ako na makita ang kaibigan ko at ang ex-love ko na current love ng kaibigan ko na nasa entablado ngayon, nirerepresinta ang kurso namin.

“GO MEL! GO MIGO!” Malakas na sabi ko pero hindi sigaw dahil mayayari ang vocal chords ko.

Ilang kurso pa ang tinawag at sumunod naman ay sila Jacob.

“From the College of Engineering!”

Lumabas si Jacob at ang partner niya na si Issa na isa ring diyosa. Itong sila Jacob at sila Migo ang may pinakamalakas na sigawan sa lahat. May laban pareho… sa puso ko. Choz!

“Jacob Davis…”

“Issa Jane Aquino…”

“And we are from the College of Engineering!” Sabay na bigkas naman nila at abot-tengang ngiti ang ipinakita. Hindi agad ako nareak dahil napatitig ako sa mukha ni Jacob.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon