CHAPTER 34: Bring Me To Life

1.3K 52 5
                                    

CHAPTER 34

Jasmuel's P.O.V.

Matiwasay ang aking paglalakad patungo sa classroom namin. Ang aga ko. Hehe. I'm one hour early kahit pa galing ako sa puyatan na taping kagabi. And yes, tapos na ang Foundation Week. Tapos na ang kasiyahan at balik na sa reyalidad.

Nakasuksok ang magkabilang earphones ko sa tenga at busy sa pakikinig ng mga kanta nang makaramdam ako ng vibration mula sa aking phone.

And... it's a text from Jacob.

'Jas can I see you at the pool area now? May sasabihin lang ako.'

Gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumaliwas ng direksyon. Bumaba ulit ng building at pumunta sa may pool area. Pagpasok ko doon ay walang tao.

"Hello??"

Naglakad ako papasok at naghanap ng mga tao. Nakita ko ang pool at naisipan kong umemote. Lumapit ako at doon sa mismong gilid naglakad. Ibinaba ko muna ang bag ko sa isang umupuan at saka naglakad.

"Jacob??"

"Jac-" Sumabit ang suot kong sapatos sa isang butas at nawala ang balanse ko.

"AAHHHH!" Isang napakalakas na tili ang napakawalan ko bago ako nahulog ng tuluyan sa pool.

Jacob's P.O.V.

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa pool area dahil baka nandoon na si Jas. Nakipag-agawan pa kasi ako sa parking dahil may isang lalake na hindi marunong magpark.

When I enter the pool area, naibagsak ko agad ang bag ko at tumalon sa pool.

Si Jas! He's drowning!

I grab him as soon I saw him and lifted him up and put him in the poolside. Inihiga ko siya and my heart is beating fast. I've never been this nervous since Jas' allergy attack.

"Jas? Jas wake up!" tinatapik ko ang pisngi niya to wake him up. Pero hindi siya magigising dito so I put my hands on his chest and started pumping it.

Mukhang walang nangyayari. I have one last option to do, give him CPR.

Without doubts, I parted his lips and put mine on top and started sucking the water out. This is not the second time our lips touch but I felt a different feeling now-scared. Scared of losing him.

In a few moments, he started coughing and I move out and there he throws all the water out and cries. I hugged him as he cries.

"Akala ko mamamatay na ako." Iyak niya.

"It's okay, you're safe now." I said to comfort him.

He moves his head to face me. "Maraming salamat talaga Jacob ha." I just smile and nod and continue to hug him.

We went to the locker room and give him a towel to cover up. He's still wet and we're still waiting for his driver to come.

"Are feeling okay now?" I ask him.

"Yeah, thank you." He answers.

"Jacob..." He calls my name and I stare at him.

His hair is wet, his clothes are wet and he looks little scared pa rin kahit pa naka-ahon na siya sa pool. I'm feeling guilty dahil ako ang nagpapunta sa kanya dito sa pool area.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

I bite my lips. Gosh, Jacob why are you being nuts? Bakit hindi mo masabi? Should I tell him? Should I tell him I'm feeling something special towards him?

This is not the perfect place and moment man.

"Uh..." Bago pa man ako sumagot ay may kumatok sa pinto.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon