Chapter 32

10 0 0
                                    

Chapter 32 : Apart

Pagtapos kumain ay agad din kaming bumalik ng palasyo. Pagdating ng kwarto ko ay mabilis akong naligo at nagpalit ng malinis na damit. Bagsak ang katawan ko nang humiga sa aking kama. Hindi ko namalayan ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko. Dahil siguro sa sobrang pagod kaya't mabilis akong nakatulog.

Mabilis na dumilat ang mata ko nang maputol ang aking panaginip. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Nakita ko na naman muli ang ipinakita sa akin noon ng Diwatang Magayon.

Matagal kong iniiwasan ang bagay na ito ngunit pilit ako nitong sinusundan. Ilang araw na rin na iyon ang panaginip ko. Ang naganap sa aking ina at ama.

Panahon na siguro para gawin ko ang nararapat. Hindi na dapat pang maulit ang nakaraan.

Lumabas ako ng aking kwarto. Madaling-araw pa lamang kaya't madilim pa ang pasilyo. Tanging liwanag mula sa buwan na tumatagos sa bintana.

Lumabas ako ng palasyo at nagtungo sa isang duyan na nakasabit sa isang malaking puno. Umupo ako rito at doon tinanaw ang lawak ng karagatan. Mula rito ay kita ko rin ang nagliliwanag na buwan sa madilim na mga ulap. Kaygandang pagmasdan.

"Gabayan mo ako, mama." tanging nasambit ko habang nakatitig sa buwan.

Ito ang unang pagkakataon na kinausap ko ang diwata ng buwan, ang aking tunay na ina.

Simula nang malaman ko na siya ang aking tunay na ina, lagi kong iniisip kung ano kaya ang magiging buhay ko kung mapayapa ang pamumuhay dito ng aking ama at ina. Ang laki sigurong kaibahan sa buhay ko sa mundo ng mga tao. Pero nagpapasalamat pa rin ako kina mom at dad dahil tinuring nila akong tunay na anak.

Natigil ang pag-iisip ko nang may naramdaman akong mainit na katawan yumakap sa likuran ko. Si Apolo.

"Ano't maaga ang gising ng aking honeybunch? Hmm," mahinang bulong niya sa aking tainga habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Iniwas ko ang aking tingin at mabilis na tumayo. Kunot-noo niya akong tinitigan, nagtataka sa aking ikinilos. Umiwas ulit ako ng tingin.

"May problema ba?" nalilito niyang tanong.

"Apolo..."

"Ano iyon?"

"Itigil na natin ito," bulong ko ngunit sapat pa rin para marinig niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Itigil ang alin, Luna?"

Tumitig ako sa kanyang mata. Bakas dito ang kanyang pagkalito sa aking biglang pagbabago.

"Ang kung ano ang meron sa ating dalawa..." walang lakas ko pa ring sambit.

"Hindi ko maintindihan..." humugot siya ng malalim na hininga. "Paano... bakit..." sunod-sunod niyang tanong.

"Alam mo ba noon pa man na isa akong diwani?" tanong ko.

Doon ay biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Tila biglang nag sink-in sa kanya ang isang bagay.

"Oo..." mahina niyang bulong.

"Kung ganon ay alam mong mali itong relasyon natin noon pa man?"

Tumungo lang siya at dahan-dahang tumango.

Hindi ako makapaniwala. Paano niya nagawang ilihim ang bagay na ito.

"Bakit tinuloy mo pa rin akong ligawan kung ganon? Ganito ang naganap noon sa aking mga magulang Apolo! Alam kong alam mo rin iyon!"

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now