Chapter 19

47 6 2
                                    


Chapter 19 : The Game


"

Anong nangyari? Bat hindi na bumalik kahapon si Apolo?" Tanong ni Saliya. Masyado kaming maaga nagising ngayon, excited na mamaya sa pag-alis.

"Ewan ko nga eh..."

FLASHBACK

"Saglit lamang ah.." pag excuse ko sa mga grupo ng mga lalaki sa harap ko.

Nagtungo ako papunta sa pwesto kanina ni Apolo, wala na siya. Malamang Luna nakita mo nga siya kanina tumakbo diba! Medyo boba ka rin eh.

Nagtungo ako sa direksyon kung saan siya tumakbo. Hinihingal akong luminga-linga sa paligid, wala.

Babalik na sana ako ngunit nahagip ng panangin ko ang hawak na bote kanina ni Apolo. Pinulot ko ang bote ng tubig sa damuhan. Anong nangyari dun?

END OF FLASHBACK

"Naku sigurado akong nagselos iyon! Tss tss. Naabutan niya atang nakikipag-usap ka dun sa mga kalalakihan."

"Bakit naman magseselos yon? Kasinatahan ko ba siya ha! At isa pa hindi pa ako pumapayag na magpaligaw sa kanya!"

"Ikaw na ang ang nagsabi na hindi niya hinihingi ang permiso mo sa panliligaw. At isa pa Luna kapag nililigawan na ang isang dalagang tulad natin, hindi na dapat tayo nakikipagmabutihan sa ibang lalaki."

"Tsk eh siya nga itong lapit ng lapit kung kani-kanino." Bulong ko.

"Huh!" Gulat na reaksyon ni Saliya na tinakpan pa ang kamay.

"Luna anong nararamdaman mo kapag malapit si Apolo?"

"Ewan ko Saliya. Pero kapag may mga babaeng lumalapit kay Apolo, naiinis ako lalo na yung Magindara na yun tsk. Tsaka pag nahuhuli ko siyang nakatingin sakin naiilang ako, bumibilis rin ang tibok mg puoo ko kapag naririnig siyang tumatawa. Sa tingin ko'y nalilipasan na ako gutom at kulang sa tulog."

Binatukan ako ni Saliya. "Aray!"

"Kahit kailan ba'y hindi mo naranasan umibig Luna!?"

"Umibig na ako! Sa Isang dosenang lalaki pa nga hehe!"

"Isang dosena? Sabay-sabay?" Gulat nitong tanong.

"Oo sabay-sabay hihi." Hagikhik ko pa nang maalala yung exo ko. Hays namiss ko na mga asawa kong koreano.

"Kung gayon eh bakit hindi mo alam na may gusto ka na kay Apolo!"

"Aba ewan ko... Ano! Ako may gusto kay Apolo?"

"Masyado kang halata Luna, kahit sila Josiah ay napapansin rin. Tuwing nandyan si Apolo, hindi ka mapakali at natataranta."

"Ewan ko sayo Saliya kung ano-anong pinagsasabi mo! Makaligo na nga."

Lumabas na si Saliya upang makapaghanda na rin. Ako naman ay nagtungo na ng banyo.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapaisip. May gusto ako kay Apolo?

Pagtapos ay nagtungo kami ni Saliya sa silid ng konseho upang magpaalam.

"Magandang Umaga mga Diwata." Sabay naming sambit ni Saliya na may kaunting pagtungo.

"Magandang Araw." Ani Diwatang Magayon.

"Ngayon na po ang alis namin para sa pista" Paalam ko.

"Ang dinig ko'y ang inyong magiging gabay ay si Alvaro?" Tanong ng Diwatang Dalikmata.

Tumango-tango si Saliya "Opo Diwatang Dalikmata, napakabait po ni ginoo-... Alvaro. Napakabait po ni Alvaro hehe."

Tumawa ang Diwata "Ganun ba? Sana'y hindi niya kayo pahirapan ng husto."

Moonlight GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon