Chapter 18

57 8 6
                                    

Chapter 18 : I'll court you


"

Akin na, kaya ko na yan."

Iniwas ni Apolo ang basket at umiling-iling aish!

Bakit naman kasi naiwan saken tong gunggong na to! Siya na lang ang kasama ko ngayon pauwi ng palasyo dahil 'ihahatid' niya daw ako.

Si Alvaro ay umuwi na, si Lazaro at Marikit ay sabay na ring umuwi, habang si Saliya at Josiah ay may makalimutan pa raw nabilhin. Ewan ko sa dalawang yun kung totoo ngang may nakalimutan o gusto lang talaga kaming maiwan ni Apolo.

Nirequest ni Saliya na ihatid na lang daw ako dahil nga sa nangyari kanina. Nung una hindi ako pumayag, pilit akong tumatanggi. Pero nagpumilit pa talaga siya at nakisali pa ang iba kaya napilitan na rin ako!

"Bakit kasi pumayag ka pa na ihatid ako!"

"Eh bakit hindi ka na lang magpasalamat at sinasamahan kita ngayon ha?"

Aba kelan pa siya naging makulit nang ganyan. Huli kong pagkakaalala eh napakasungit nito.

"Bakit pinilit ba kita?" Pagtataray ko sa kanya.

"Tch."

Di na siya sumagot at patuloy na lang na naglakad. Pagkaraan ng ilang sandali ay tahimik  kami at hindi nagkikibuan.

"Maiba ako." Pagbasag niya ng katahimikan, nilingon ko siya.

"Nakita ko ang ginawa mo kanina... sa bata."

Napaiwas ako ng tingin.

"Lumabas na pala ang kakayahan mo bilang diwata. Pano mo ito natuklasan? "

"Tinulungan ako ni Josiah." Sagot ko nang di pa rin lumilingon sa kanya at nasa daan lang ang tingin.

"Masaya ako at narito na ang anak ng Diwatang Libulan." Dun ako napalingon sa kanya at nakita siya na nakangiti habang nakatingin din kawalan.

"Kilala mo ang aking ina?"

Lumingon siya sa akin at tumango "Napakabata ko pa noong makita siya. Napakabait at mapagkumbaba ang Diwata Libulan. Hindi mo kakikitaan ng yabang di tulad ng anak niya."

"Ano kamo?" Tanong ko dahil humina na ang kanyang boses sa mga huling sinabi.

"Wala."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ilang sandali lang ay narating na namin palasyo.

"Oh."

Kinuha ko ang basket at tinarayan siya.

"Ganyan ka ba magpasalamat?"

Ngumiti ako sa kanya ng sarcastic. "Salamat Ginoo, maaari na ba akong pumasok ng palasyo?"

"Hmm hindi pa."

"At bakit?"

"May sasabihin pa ako."

"Ano? Sabihin mo na nang makapasok na ako."

"Hmm..."

"Aish!" Akmang papasok na sana ako ng palasyo...

"Gusto kita."

"Ha?" Gulat akong napalingon sa kanya.

"Bingi kaba? Ang sabi ko gusto kita at liligawan kita."

"Ang taas din naman ng confidence mo ano! Kakaamin mo lang tapos gusto mo na agad manligaw! At infair ha hindi ka man lang nagtanong kung pwede ba kitang ligawan? Diretso ka agad na liligawan kita with conviction pa!" inis kong sigaw sa kanya

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now