Chapter 22

46 4 28
                                    

Chapter 22 : Two Kisses

"Ano ka ngayon Saliya huh? Sino ang walang silbi? Ako ang nakakuha ng dalawa, samantalang ikaw wala! Hahaha!" Pang-aasar ni Josiah habang kumakain kami ng pananghalian.

"Tss napagod din ako sa paghahanap! Sadyang sinwerte ka lang!"

"Hahaha! Ang sabihin mo pabigat ka sa grupong ito!"

"Napakahambog mo talaga! Tignan mo itong si Luna! Siya ang nakakuha ng tatlo! Mas marami pa sayo pero hindi siya nagyayabang tulad mo!"

"Tama na nga iyan." Suway ni Alvaro. "Ang mahalaga ay nagtulungan tayo, yun naman ang mahalaga sa isang grupo. Pagkakaisa, tulad ng binuo nating salita kanina."

"Eh ano bang nangyari sayo kanina Luna? Bat bigla kang nagkandapilay-pilay?" Biglang tanong ni Lazaro.

"Ah wala nadapa lang ako."

"Buti at nakahabol kapa, kundi wala tayomg kinakain ngayon."

"Kampay para sa kagitingan ni Luna!" Sigaw ni Josiah at itinaas ang kanyang baso.

"Kampay!" sigaw nila at nagcheers.

Nakakatuwa talaga kasama ang mga ito.

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa pagkekwentuhan. Hapon na at malapit nang maggabi.

"Ang inyong ikalawang laro ay susubok sa tibay, lakas at inyong tatag."

"Kada grupo ay kailangan niyong pumili ng isang lalakimg miyembro upang inyong maging representatibo sa larong ito."

"Sino sa atin ang maglalaro?" Tanong ni Marikit.

"Ako na! Ako rin naman ang pinakamalakas sa grupong ito!" Ani Josiah.

"Ako na lang! Tiyak ang ating pagkapanalo kung ako ang maglalaro!" Kontra naman ni Lazaro.

"Sige para walang away magbotohan tayo." Sabi ko.

"Sa tingin ko'y mas mainam kung si Alvaro ang maglalaro, siya ang pinakamatanda sa inyong tatlo kaya't sa tingin ko mas malaki ang tsansa ng ating pagkapanalo." suhestyon ni Saliya.

"Alam ko namang di mo ako pipiliin aish!"  Ani Josiah. "Oh ikaw Luna? Sino sa tingin mo?" Tanong niya naman sa akin habang nagtataas-baba ang kanyang kilay.

"Ahh... sang-ayon ako kay Saliya." Maikli kong tugon.

"Aish!" Atungal ni Josiah at Lazaro.

Tumingin kami lahat kay Marikit. Tinuro niya ang kanyang sarili at tumango-tango kami.

"Sa tingin ko, .. si Alvaro ang dapag maglaro."

"Marikit!" Sigaw ni Lazaro.

"Mas matipuno ang kanyang pangangatawan kumpara sa inyong dalawa." Dagdag nito.

"Aish, sino ba samin ang kaibigan mo." Bulong nito.

"Sigurado na ba kayo?" Tanong ni Alvaro.

Tumango-tango kami ni Saliya.

Nagtungo na sa unahan ang limang napili. Nakita ko si Apolo na nagtungo din sa unahan, marahil siya ang napili sa kanilang grupo.

"Simple lang ang inyong laro. Nakikita niyo ang bukong iyon?" Turo niya sa isang buko na may kalayuan sa amin. "Ang unang makapagdala niyan rito, ang siyang magwawagi. Ibig sabihin, isang grupo lamang ang magwawagi sa larong ito. Kaya't galingan niya."

Parang agawan buko lang. Tama ang desisyon namin, sa tingin ko ay kayang ipanalo ni Alvaro ito.

Nagulat kami sa narinig naming mga babaeng biglang nagtilian.

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now