Chapter 5

98 11 4
                                    

Chapter 5 : First Day

Mariin niya akong tinitigan, it looks like he's studying every inch of my face. God! Why I feel so intimidated, I didn't even know him!

Nagkatitigan pa kami ng ilan pang segundo saka niya isinuksok ang dalawa kamay sa bulsa niya at pinagpatuloy ang paglakad. Nilampasan niya lang ako na parang walang nangyari.

Just wow! Hindi man lang nagsorry!

"Hoy!" inis na sigaw ko sa kanya.

Walang ekspresyon ang mukha niya ng nilingon niya ako, napalunok na lamang ako.

"Bakit?" tamad na tanong niya sa akin.

"H-hindi ka man lang ba hihingi ng t-tawad?" why I am even stuttering!

His voice even give me creeps.

Kumunot ang noo niya. "Hihingi ng tawad? Ikaw naman ang may kasalanan, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo."sabi niya na  tamad na tamad, parang pinapahiwatig niya na wala siyang interes sakin makipag-usap.

Tinalikuran niya ako at naglakad na muli. What?

Sa sobrang inis ko ay binato ko sa kanya ang isang libro

Bogsh! Sapul sa ulo haha! Kingina ka ha.

Inis niya kong nilingon at napakasama ng tingin niya sa akin. Napaatras ako at napalunok. Lalapitan na sana niya ako nang nay lumapit sa kanya.

"Apolo saan ka ba nagsusuot-suot kanina ko pa kayo h-hinahanap! Halika na at tayo'y magmadali p-pinapatawag ka ng D-diwatang Magayon!" hinihingal na pigil sa kanya isang lalaking tagapagsilbi na sa tingin ko ay medyo may edad na.

Tinignan pa ako ng masama ng lalaking ito saka parang napilitan na umalis.

Whew! Kinabahan ako doon ah, nilapitan ko ang libro saka pinulot. Tinitigan ko pa siya habang naglalakad papalayo nang dumating si Saliya

"Luna!" sigaw niya sa akin."Paumanhin at medyo natagalan" lumingon siya sa tinitignan ko kanina tsaka ngumisi sakin ng nakakaasar

"Uy, anong tinitingin-tingin mo kay Apolo, huwag mong sabihing nahulog ka na agad sa kanya." sabay tusok sa aking tagiliran.

"Ha?? Anong nahulog, sino? Iyong mayabang na yon?" turo ko sa nilalakaran ng tinawag niyang Apolo.

Huh! Apolo pala ang pangalan non, ang ganda ng pangalan niya di bagay sa attitude niya!!

"Eh bakit ka nauutal?" asar niya pa habang nakangisi.

"Nakakainis kasi ang lalaki na yon! Siya na nga ang nakabangga siya pa ang may lakas ng loob magyabang!" singhal ko.

"Haha ganon talaga iyon. Hayaan mo na at may pagkasuplado talaga si Apolo. Sa tingin ko ay naging dahilan ng pagkabihag ng maraming kababaihan sa kanya. "

Napangiwi ako. "Ikaw wala ka bang gusto don?"

"Ako? May gusto don? Haha! Aaminin ko malakas ang dating ni Apolo ngunit hindi ko tipo ang mga tulad niya. Ang tipo ko ay mga lalaking maginoo at palangiti tulad ni Lazaro." saad ni Saliya habang magkahawak ang kanyang kamay at parang kinikilig pa.

"Lazaro? Sino naman iyon?"

"Matalik siyang kaibigan ni Apolo. Ngunit kahit lagi silang magkasama ay magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Ang tanging pagkakapareho lamang nila ay napakaraming kababaihan ang nabibihag ng kanilang kagwapuhan at isa na ako don hehe. "

"Tss ito na ang mga libro mo, tara na nga bumalik na tayo ng palasyo at nagugutom na ako."

"Ay oo nga magtatanghalian na pala tara, kumain na tayo!" hila niya sa akin pabalik sa palasyo.

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now