Chapter 2

152 16 6
                                    

Chapter 2 : Adopted Daughter

Bumangon ako sa kama ng magbandang alas singko na, hindi na ako nakatulog muli. Pero dahil birthday ko na ay nakangiti akong bumaba at dumiretso sa kusina.

"Hi mom!" nakangiti at masigla kong bati kay mommy ng matanaw ko siya na nagmamadaling kumain.

"Oh anak aga mo gumising ah, mauna na ako at kailangan ako ng papa mo sa ospital" aniya at hinalikan ako sa pisngi. Sinukbit niya ang ang kanyang shoulder bag at dali-daki nang lumabas ng bahay.

Ilang araw nang hindi umuuwi si daddy dahil may problemang siyang inaayos sa ospital. Ngunit kahit ganoon, nalungkot pa din ako ng bahagya dahil maging sila ay nakalimutan na rin ata ang birthday ko.

Sumunod ako sa pintuan ng bahay ng marinig ko si mommy na may kausap sa telepeno.

"Oh Chris handa na ba ang catering at regalo natin para kay Luna" nagulat ako sa aking narinig. "Oo, oo nagkunwari akong hindi ko naalala ang birthday niya para masurprise na natin... Oh siya siya sige at papunta na ako diyan sa ospital kaya't ibigay mo muna sa sekretarya mo ang ang mga trabaho mo"huli niyang sabi saka ibinaba ang telepeno at lumabas ng gate.

Ganun na lang ang ngiti ko ng mapagtanto ang kanilang plano.

Kasama ko si Ari ngayon sa park ng school at hindi ko mapigilang maging masigla.

"Hoy anong nginingiti-ngiti mo diyan! Loka ka ano bang naisipan mo at nagyaya kang pumasok ng maaga inaantok pako eh!" reklamo niya.

"Narinig ko ang pag uusap nila mom at dad, nagkunwari pa sila na nakalimutan ang birthday ko, may surprise pala sila hehe"sabi ko.

"Gaga ka edi hindi na surprise yon kasi alam mo na!"

"Ay oo nga no? Hayaan mo na magkukunwari na lang akong hindi ko alam."

"Tara sa cafeteria, at ilibre mo ako di pako nakakapag-almusal!" hila niya sa akin patungong cafeteria, at dahil good mood ako hindi na ako nagreklamo.

Sa paglalakad namin patungong cafeteria, humarang sa amin si Stacey na ikinakunot ng noo ko.

Kilala ang grupo nila bilang mean girls dito sa campus. Magaganda nga pero ganon naman ang ikinasama ng mga ugali.

"Hi Luna." aniya habang nakataas ang isang kilay.

"Hello?" sarcastic ko namang sagot habang nakangiti na parang natatae.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo?" napaikot naman ang mata niya sa sagot ko.

Kung ang iba ay natatakot sa katarayan ng mga gagang ito, pwes hindi niya ako masisindak.

"Hi teh? Hello? Andito ako hehe." singit naman ni Arianne, tinignan lang siya ng masama ni Stacey.

"Fine! Hindi ka makausap ng maayos huh! Didiretsuhin na kita. Layuan mo si Marcus!" sabi niya habang masamang nakatingin sa akin.

"Huh?" nalilito kong tanong.

"Boba ka ba? Ang sabi ko layuan mo si Marcus." ulit niya na may diin na ang mga salita.

"Aba, huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Luna. Ano bang problema mong gaga ka-" napatigil na lang si Arianne sa pagsasalita nang itaas ni Stacy ang kamay niya na naiirita na sa kanya.

"Pwede bang manahimik ka? Hindi ka naman kausap, can you please have some manners." maarte niyang sabi. Ako naman ay nabadtrip lang sa ginagawa niya. Sarap niyang ingudngod sa lupa.

Magsasalita pa sana si Arianne pero hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya.

"Bakit?" nagtitimpi kong tanong.

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now