Chapter 8

67 9 0
                                    

Chapter 8 : Dalikmata's Prophecy


Third Person POV

"Hey! Hey wake up!" Naalimpungatan si Marcus sa gising ng kanyang kapatid na lumabas din agad ng kwarto.

Kinuha niya ang phone niya sa bedside table at tinignan ang oras, 5:45 am pa lang.

Tamad siyang bumangon at lumabas ng kwarto.

Pagtungo niya sa kusina ay nadatnan niya ang kapatid niya na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Hey kuya wala sila mom at dad umalis pumunta daw ng Batangas for business purposes" salubong sa kanya ni Marc habang patungo sa upuan.

"Nakausap mo na ba sila Tita Rey-elle? Kumusta na daw ang paghahanap kay Luna?" Tanong niya kay Marc habang nagsasandok ng kanin.

"Hindi pa kuya. I miss ate Luna so much"

Tahimik na kumain ang magkapatid.

Naiinis si Marcus sa mga magulang ni Luna, hindi niya man lang ramdam ang effort nila upang mahanap ang bestfriend niya. Isang beses tinanong niya ang mga ito ngunit ang laging aagot lamang ng mga ito ay "Babalik din ang anak namin, may misyon pa siyang dapat tapusin."

Hindi maintndihan nila Marcus ang sinabi ng mga magulang ni Luna.

Pagtapos kumain ay naligo na ang dalawa at naghanda sa pagpasok.

Si Marc ay isang Grade 12 student, isang taon lamang ang tanda sa kanya ni Marcus.

"Mauna na ako Marc. " walang gana niyang sabi sa kapatid. Alas-otso pa ang pasok ng kapatid niya at siya ay alas-siete kaya't lagi siyang nauunang umalis.

Sa loob ng halos isang buwan ay ganon ang takbo ng araw-araw niyang buhay.

Naglalakad mag isa si Spencer sa kanilang village ng mapadaan siya sa bahay nila Luna.

Napatitig siya dito. Bigla niyang naalala ang mga masasayang alaala nila ni Luna.

Malungkot siyang napangiti. Halos isang buwan na din pala simula ng mawala si Luna.

Nasaan ka na, ayos ka lang ba...

*KRING KRING*

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Hey bro may laro kami mamaya kaso kulang kami isa ano g ka ba?"

Sa huling pagkakataon ay muli siyang sumulyap sa bahay nila Luna saka nagpatuloy na maglakad.

"Pass bro, ngayon ang paghahanap namin kay Luna." malungkot niyang sabi sa kaibigan.

"Ah sige, oo nga pala sige bro sa sunod na lang, sana mahanap niyo na din si Luna"

"Sige bro salamat." saka pinatay ang tawag.

Nasa waiting shed si Marcus at naghihintay ng masasakyang bus.

"Oy Marcus ano musta na!" Masayang bati ni Arianne.

Napakalaki ng ngiti ni Ari ngunit sa kaloob looban niya nakakubli ang labis niyang kalungkutan at pangungulila sa kaibigan.

"Ayos lang Arianne, ikaw? " malungkot niyang sabi saka tumabi sa kanya si Arianne sa pagkakaupo.

"Ayos lang din, h'wag ka nang malungkot sigurado mahahanap din natin ang babaeng yon, nako wag lang talaga siyang papahuli sa akin makakatikim siya ng mag-asawang sampal at sabunot!"

Napangiti na lamang si Marcus sa sinabi ni Arianne.

Tumunog ang phone ni Arianne. Ganon na lamang ang gulat niya nang makita ang mensaheng dumating sa kanya.

"Bakit?" takang tanong ni Marcus.

"Sinend na sa akin ang hinihingi nating cctv footage nung araw na nawala si Luna!" aniya.

Nanlaki ang mata ni Marcus. Matagal na silang nagtutulungan upang mahanap ang kaibigan, hindi naman nila maasahan ang mga magulang nito.

Nanlaki ang mata ni Spencer at agad kinuha ang phone ni Arianne.

Pinlay niya ang video at nakita niya si Luna na tumatakbo.

Napakalakas ng ulan, pero hindi natinag si Luna sa pagtakbo at papunta siya sa... sa park.

Binalik ni Spencer ang phone at mabilis na tumakbo pabalik sa village.

"Uy teka!" Tawag sa kaniya ni Arianme ngunit hindi na niya ito pinansin.

Nagdire-diretso siyang tumakbo papunta sa park.

Sa park kung saan tambayan nila ni Luna noong bata pa sila

Kung saan mahilig sila maglaro at magpunta kapag pinapagalitan sila ng mga magulang nila.

Tumulo ang luha niya habang tumatakbo na agad niyang pinahid. Sa bawat hakbang niya ay may namumuong pag-asa.

Pag-asang makapiling muli ang kaibigan...

Nakarating siya sa luma at abandonadong park dito sa kanilang village

Tahimik, tanging mga huni ng ibon at mga tuyong dahon na naapakan niya lamang ang naririnig.

Sa kabila ng kanyang pagmumuni-muni ay nahagip ng mata niya ang isang alitaptap sa dulo ng park.

Nilahad niya ang daliri niya at dumapo dito ang alitaptap

Sa hindi niya inaasahan ay biglang nagliwanag ang paligid na nanggagaling sa alitaptap.

Napatakip na lamang siya sa kanyang mga mata gamit ang isa niya pang kamay.

Mundo ng Ilaya

"Magandang umaga Apolo anong kailangan niyo at naparito kayo sa kaharian? " salubong ng tagapagsilbi kay Apolo.

"Gusto ko lamang bisitahin ang mga Diwata" ani Apolo at diretsong naglakad.

Nagtungo siya sa silid ng konseho.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng marinig niya ang usapan ng mga diwata.

"Hindi maaari... Nakita ko ang magaganap kay Luna.. Hindi pwedeng mangyari ang nakita ko sa kanyang hinaharap." nangangambang sabi ni Dalikmata.

"Hindi maaring mawalan ng saysay ang buhay ng batang iyon ng ganun ganun na lamang." ani naman ni Lihangin.

Nagulat si Apolo sa kanyang narinig.

"Kailangan nating itong pigilan bago pa man tuluyang mangyari" sabi ni Lalahon.

"Ngunit Lalahon batid mong hindi dapat natin pakialaman ang mangyayari sa hinaharap. Kapag ginawa natin ito ay maraming buhay ang masasakripisyo. At maging ang hinaharap ng iba ay mabago. " Adlaw.

"Kung ganon ay hahayaan na lang ba natin siyang mamatay ng ganun na lamang? Magayon ano ang iyong desisyon?" Tanong ni Lalahon

"Hindi maaaring mabago ang hinaharap ngunit, hindi din din pwedeng mamatay si Luna..."

"Apolo?" Napalingon si Apolo sa nagtatakang mukha ni Luna.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong nito.

Nanlaki na lamang ang mata ni Apolo at ilang ulit na napalunok.

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now