Chapter 20

43 6 0
                                    


Chapter 20 : Apolo's Feelings

"Dito marami!" Yaya sa amin ni Saliya.

Kaming tatlo nila Saliya at Marikit ang magkakasama ngayon dito sa gubat. Naatasan kami ni Alvaro na mangalap ng mga tuyong dahon. Habang silang mga lalaki, mga punong kahoy ang kinokolekta.

Pinagagawa kasi kami ni Propesor ng aming magiging tulugan sa loob ng tatlong araw. Di ako nainform na kami rinmpala gagawa ng sarili naming tent. Ewan ko, hindi pa naman ako nakakatry magcamping.

"Tara na ayos na to."

Bumalik kami sa pwesto namin kanina. Ang ibang grupo nagsisimula nang bumuo ng diy tent nila, kami hinhintay pa sina Alvaro.

Maya-maya pa ay dumating na silang tatlo na may dala-dalang mga kahoy sa balikat.

"Oh magsimula na tayo."

Nagsimula na kaming buuin ang tent namin. Actually, sila lang. Di ko alam kung paano anong gagawin kaya't di ako makatulong. Nagulat nga ako at napakagaling ni Saliya sa bagay na ito.

Tali dito, tali doon ng mga punong kahoy upang mapagdugtong-dugtong ito. Nang mabuo na ang mga kahoy, tinapalan na ito ng mga malalakihang dahon na nakolekta namin. Hanggang sa mabuo.

Pumasok kaming anim sa loob. Malawak naman at tama lang ang taas upang makatayo kami.

Inalog-alog ni Alvaro ang isang kahoy.

"Sa tingin ko ay matibay na ito."

Nilagyan rin namin ng mga dahon sa lupa upang maging malambot ito. Pagkalagay ng mga dahon ay pinatungan namin ito ng mga tela upang magsilbing aming higaan.

"Ayos! Magiging mahimbing ang tulog ko nito!" Ani Josiah.

"Saglit hindi pa ito tapos." Biglang sabi ni Alvaro.

"Huh?"

Kumuha pa ng isang malaking tela si Alvaro at sinabit sa gitna. Parang nagkaroon ng divider.

"Hindi maaring magsama ang babae at lalaki sa pagtulog."

"Ah." Tumango-tango naman kami. Tama naman siya.

Pagkalagay namin ng mga gamit sa loob ay lumabas din kami at bumalik sa pagkakaupo sa natumbang puno upang magpahinga.

"Hay nakakapagod! Nagugutom na ako!" Reklamo ni Saliya.

Kumakalam na rin ang tiyan ko. Kinuha rin kasi ni Propesor ang aming mga baong pagkain dahil dapat ang kakainin lamang daw namin dito ay mabibili ang perlas, ngunit ibabalik rin naman daw pagkatapos nito kaya't wala na rin kaming magagawa.

"Onting tiis Saliya, malapit na rin mag gabi. Maya-maya lang ay maghahapunan na tayo."

Tama, palubog na rin ang araw.

Pinagmasdan ko ang ibang grupo. Ang iba'y gumagawa pa din, ang iba naman ay tapos na at nagpapahinga na tulad namin.

Nahagip ng aking mata ang grupo ni Apolo. Abala pa rin sila sa paggawa. Nakangiti lamang siya habang nakikipagbiruan sa mga kagrupo niya.

"Hiraya!" Tawag ni Alvaro sa dumaang babae.

Ah ito yung taga-gabay ng pangkat ni Apolo, yung magandang babae. Lumingon ito at lumapit sa amin.

Napakasopistikada talaga niya. Siguro kung nasa mundo ito ng mga tao isa siya ngayong sikat na model.

"Ano iyon Alvaro?"

"Ah ipakikilala lamang kita sa aking mga kagrupo." Bumaling sa amin si Alvaro. "Siya si Hiraya, ang aking naging kaklase at matalik na kaibigan noon sa Adamia."

Moonlight GoddessOnde histórias criam vida. Descubra agora