Chapter 27

33 5 0
                                    

Chapter 27 : New Generation

"Eh anong nangyari sayo nang natagpuan ka namin ni Saliya?" Tanong ko kay Josiah. Bitin maman kasi ang kwento niya.

"Sinundan ko ang mga itim na diwata."

"Ha? Bakit?" gulat kong sigaw.

"Aray ha ang sakit sa tenga." Reklamo niya  kaya't nanahimik na lang ako para mapagpatuloy ang kwento niya.

"Hindi ko nakontrol ang damdamin ko noong mga oras na iyon, dahil sa pagkasawi ko sa pagkamatay ng aking ina. Galit at paghihiganti lamang ang laman ng isip ko noong panahon na iyon." Pagpapatuloy ni Josiah at nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata.

"Sinundan ko sila, gusto kong ipahiganti si ina. Wala na akong pakealam noon kung mamatay man ako dahil naisip ko na wala na rin ang aking ina kaya't ano pang saysay kung mabhbuhay pa ako."

"Palihim akong sumunod sa kanila habang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang portal. Isa-isa silang pumasok don at naglalaho. At nang isa na lang ang natira. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at mabilis na tumakbo papunta doon at hinila siya papalayo doon. Matagumpay ko siyang nailayo sa portal na iyon dahil sa aking bilis at liksi. Medyo nagakot pa ako sa itsura niya, isang tao na may pakpak. At hindi lang iyon, ang balahibo niya ay yari sa matigas na metal."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Josiah. "Tapos?"

"Mabilis akong lumapit sa kanya at sinapak siya, mabilis rin naman akong nakalayo. Hindi niya ako mahuli dahil sa bilis ko kaya't paulit-ulit komg ginawa yon. Sapak sabay layo. Ngunit nagulat ako nang paglapit kong muli ay nahuli niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg at inangat. Lumipad pa siya kaya't lalo akong hindi makahinga. Bakas sa mukha niya ang inis sa akin. Bumunot siya ng kanyang balahibo at walang ano-anong sinaksak sa aking tiyan at tanging sinambit sa akin ay 'lapastangan'. Pagtapos non ay binitawan niya ako kaya't bumagsak ako sa isang bahay na nasusunog. Nanghihina man ako ng sobra, ngunit ginawa ko ang lahat upang makalabas ng tahanang iyon. Nang makalabas ay diko na nakayanan ang panghihina kaya't bumagsak ako, at doon niyo ako naabutan..."

"Ibig sabihin, ang punyal na iyon ay galing sa nakalaban mo?" Gulat kong tanong at tinuro pa ang natanggal kong punyal sa akin kagabi.

Tipid siyang tumango. "Oo, kaya't malaki ang pasasalamat ko sa inyo ni Saliya. Malamang ay namatay na rin ako kung hindi kayo dumating."

"Wala iyon ano ba, ano pang silbi ng pagkakaibigan natin,"

Napalingon kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pawis na pawis na si Saliya.

"Oh anong nangyari sayo? Nagmarathon ka?"

"P-inapatawag kayo ng mga mahal na d-diwata." Ani niya habang habol-habol ang hininga.

"Sino sa amin?"

"Kayong tatlo."

"Ha? Kaming tatlo."

"Hmm pinapatawag sa isang pagpupulong ang mga anak ng diwata." Ani nito at nagkatinginan kami nina Josiah at Alvaro na bakas ang pagtataka.

Mabilis kaming nagtungo papunta sa palasyo. Nagtataka pa rin ako at paano nagawa ni Josiah na makalad ng maayos na parang hindi siya nag-aagaw buhay kahapon. Anong ginawa ni Alvaro?

Habang naglalakad ay nadaanan namin ang kalunos-lunos na nangyari sa bayan. Ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang sinapit nito. Mga taong nag-iiyakan dahil sa pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay, mga ari-arian na sinira. Walang magawa ang mga tao. Mga walang puso, paano nila nagawa ito sa mga inosenteng mamamayan.

Pagkarating sa palasyo ay agad kaming nagtungong tatlo sa silid ng konseho gaya ng sabi ni Saliya.

Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang mga nakaupong diwata. Nakakapanibago dahil mas kaunti na silang tignan. Namataan ko na nakatayo roon si Marikit katabi sina Lazaro at Hiraya? Whoa! Isa rin pala silang mga anak ng diwata? Bat hindi man lang nakwento ni Lazaro?

Moonlight GoddessWhere stories live. Discover now