Chapter 13

69 9 3
                                    

Chapter 13 : Lake


Kasalukuyan akong nasa klinik. Walang pasok kaya't mas minabuti kong dito na lang manatili para may pagkaabalahan ako at madivert ang isip ko sa nangyari kahapon.

Pakiramdam ko natrauma ako sa mga nangyari kahapon. Pagtapos namin mag usap-usap sa field ay pumasok pa rin kami sa silid. Ramdam ko parin ang mga mata nilang mapanghusga na nakamasid sakin.

Hindi rin mawala sa isip ko kung sino ang may totoong salarin sa mga ibinibintang nila sa akin. Bakit kailangan niyang gawin sa akin iyon?

"Luna!" Nagising ang diwa ko sa tawag ni Alvaro.

"Ah b-bakit?"

"Ang sabi ko ay pakikuha ako ng dahon ng sambong sa itaas"

"Ah sige saglit lamang"

Dali-dali akong umakyat at kumuha ng mga dahon ng sambong.

"Ito oh." abot ko ng mga dahon na tinanggap naman niya.

"Luna ito ay mga dahon ng lagundi at hindi dahon ng sambong."

"Ha?" Kinuha ko ulit ang mga dahon chineck.

"Ah oo nga hehe paumanhin, saglit."

Umakyat ulit ako at siniguradong sambong na ang aking mga nakuha inabot ko ito kay Alvaro. Iniabot niya ito sa medyo may edad nang lalaki.

"Maraming Salamat Alvaro, maaasahan talaga ang iyong klinika."

"Walang anuman Mang Isko nawa'y mapabilis ang paggaling ni Aling Marta."

"Salamat, salamat sige at mauna na ako salamat rin iha." baling sa akin ng matanda.

"Walang anuman po."

Paglabas nito ay humarap sakin si Alvaro at bumuntong hininga.

"May problema ba Luna? Kanina kapa tulala at parang wala sa sarili."

"Ah wala ayos l-lang ako."

"May nangyari ba? May masakit ba sa iyo?" Lumapit siya sa akin at inilapat ang likod ng kanyang palad sa aking noo.

Nasa ganoong posisyon kami biglang bumukas ang pinto.

"Luna! Ay nakakaistorbo ba ako?" Nagulat ako sa pumasok na si Saliya.

Ngayon ko lang din napansin nasa kanyang likod. Si Lazaro at Josiah na ngiting-ngiti at nagpapapalit-palit ng tingin sa akin at kay Apolo na mukhang bagot na bagot na naman. Bakit nandito rin ang ungas na iyan?

Lumapit sa amin si Saliya "Uhm, ako nga pala si Saliya kaibigan ni Luna." pagpapakilala ni Luna kay Alvaro.

"Alvaro, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Gusto lamang namin ipagpaalam si Luna kung maaari ba namin siyang isama sa Lawa ng Ternal upang mamasyal."

"Ano kaba Saliya alam ko namang may gawain ako dito sa klini-"

"Ayos lamang." putol sa akin ni Alvaro at humarap sa akin

"Ayos lamang Luna. Sumama kana upang gumaan-gaan ang pakiramdam mo. Kanina kapa matamlay, at isa pa matumal naman ang tao ngayon dito kaya't kaya ko na mag-isa. "

"Salamat Alvaro totoo nga ang mga naririnig ko sa mga kababaihan hindi ka lang matalino, mabait pa at maginoo hihi" ani Saliya at hinawi ang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Ang landi"

"Anong sabi mo?" Tinignan ng masama ni Saliya si Josiah na nagpipigil lamang ng tawa.

Moonlight GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon